Ang Liminalidad, Bisa at Aliw sa Pagtatanghal ng Salubong ng Aglipayanong Kongregasyon sa Paliparan, Santo Niño, Lungsod ng Marikina
Document Type
Article
Publication Date
7-31-2021
Recommended Citation
Diccion, A. A. (2021). Ang liminalidad, bisa at aliw sa pagtatanghal ng salubong ng Aglipayanong kongregasyon sa Paliparan, Santo Niño, Lungsod ng Marikina. Katipunan: Journal Ng Mga Pag‑aaral Sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino, 0(7), 73–104. https://doi.org/10.13185/KA2021.00707
COinS
Comments
Sa mga pag-aaral ukol sa Simbahang Aglipay o Iglesia Filipina Independiente, karaniwang tinatalakay ang rebolusyonaryo nitong pinagmulan at separatista nitong simulain. Salat ang mga pag-aaral ukol sa mga tiyak na Aglipayanong kongregasyon sa kapuluan, partikular sa patuloy nilang pag-iral sa kontemporanyong panahon sa kanilang mga tiyak na konteksto. Sa talakayang ito, sinuri ang pagdaraos ng prusisyon ng Salubong ng Aglipayanong kongregasyon sa Paliparan, Santo Niño, Lungsod ng Marikina bilang isang pagtatanghal ng dalawang naratibo. Ang una bilang paggunita ng muling pagkabuhay ni Hesukristo na siyang rurok ng pananampalatayang Kristiyano; at ikalawa bilang muling pag-uulit at pag-aangkin ng mga Aglipayanong mananampalataya ng kanilang mga gawi matapos lisanin ang dating lunan ng pagsamba. Sa pagsipat sa mga aspekto ng Bigkis ng Bisa at Aliw mula kay Richard Schechner, hinimay sa pag-aaral na ito ang mga ritwalistiko at teatrikal na katangian ng nasabing pagtatanghal bilang isang proseso–mula sa paghahanda, tungo sa pagganap, at hanggang sa pagwawakas ng Salubong sa Paliparan. Tatlong lunan ng pagtatanghal ang sinuri bilang mga espasyo ng liminalidad sa proseso ng pagtatanghal ng Salubong: ang karo, ang Galilea, at ang ruta ng Salubong. Sa pagkilala sa liminalidad, bisa at aliw sa pagtatanghal ng Salubong ng Aglipayanong Kongregasyon sa Paliparan, lumitaw ang dinamismo ng hiwalay ngunit mahigpit na tirintas ng dalawang naratibong ginugunita, nililikha at pinaninibago ng nasabing komunidad ng mga mananampalataya.