Tunog Tagalog: Pagninilay-nilay sa Kultura ng Pakikinig at Politikal na Ekolohiya ng mga Bagay

Document Type

Article

Publication Date

12-15-2021

Abstract

Tinatangka ng papel na ito na magnilay sa katahimikan at tunog na nagmumula sa karanasan ng pandemya tungo sa isang artikulasyon ng politikal na ekolohiya ng mga bagay gamit ang mga salitang may kinalaman sa tunog at ilang tanaga sa Vocabulario de la Lengua Tagala nina de Noceda at de Sanlucar. Inaasahan na sa pagdalumat ng mga kahulugan ng salita, maiuwi ito sa isang pagdalumat sa karanasan ng pananahimik o pakikinig sa kalikasan at maging panimulang artikulasyon ng kultura ng pakikinig sa Maynila bago ito naging maingay na lungsod ngayon. Pagbabatayan sa papel na ito ang mga teorya ng politikal na ekolohiya ng mga bagay ni Jane Bennett at pakikinig sa kalikasan at katahimikan ni Norie Neumark.

Share

COinS