Ang Gámit ng Temang-Awit Panteleserye

Document Type

Article

Publication Date

2021

Abstract

Mahalagang-mahalaga ang musika sa teleserye, lalo pa’t bílang soap opera, nakabalangkas ang anyo nito sa melodrama. Sa kaso ng teleserye, ang pagkasangkapan sa musika ay higit na mapahahalagahan sa pagbaling sa matatawag na temang-awit panteleserye o theme song, na madalas ginagamit hindi lámang bilang pananda ng kaakuhan ng palabas o mohon ng simula’t wakas nito, kundi pati na rin bílang kabuuang temang musikal. Ibig kong maghain ng ilang kaisipan hinggil sa gámit, at siyempre, halaga ng mga ito bílang musikal na suhay ng teleseryeng babád sa melodrama. Upang maging masaklaw ako sa pagtalakay kahit papaano, ibabalangkas ko ang aking paggalugad sa gámit ng temang-awit panteleserye sa naging paraan ko ng pagkakasaysayan sa naging pag-angkop, pag-unlad, at pagbago sa teleserye. Ang papel na ito ay pagpapalawig ng aking pakasaysayang lápit sa teleserye habang ipinaliliwanag ang tatlong gámit na aking inihain—ang pagiging reiterasyon ng salaysay o naratibo ng palabas; ang pagiging tagapagpaigting ng drama at tema; at ang pagiging tagapagpalawig ng teleserye bílang telebiswal na produkto.

Share

COinS