Ang Dalumat ng “Datíng” Sa Pagtatanghal ng Spoken Word Poetry sa Panahon ng Pandemya
Date of Award
8-2021
Document Type
Thesis
Degree Name
Master of Arts in Literature ( Filipino) Thesis Option
First Advisor
Jerry C. Respeto, PhD
Abstract
Naging mahalagang salita ang “social distancing” sa panahon ng pandemya na tumutukoy sa alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan kaugnay sa distansiyang dapat panatilihin ng mga mamamayan sa kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Ang gayong alituntunin ng distansiya ay nagkaroon ng matinding epekto sa mga anyo ng pampublikong palabas at buhay na pagtatanghal gaya ng Spoken Word Poetry. Batay sa gayong pangyayari, sisikaping pag-aralan ng tesis na ito ang kalikasan ng pagtatanghal ng Spoken Word Poetry gamit ang lente ng “datíng” na ipinakilala ni Tiongson sa mga larang ng palabas at pagtatanghal. Pagtatangkaang sipatin ng tesis na ito kakanyahan ng pagtatanghal ng Spoken Word Poetry sa pamamagitan ng pagsubaybay kung paano ito “dumadatíng” sa manonood sa kabila ng pinaiiral na pisikal na distansya. At bilang kongklusyon, susubuking mapangatwiranan ng pag- aaral na ito na ang mga salik pansining na may likas na pamamaraan upang makatawid at makaangkop sa mga pamamaraan ng pagtatanghal.
Recommended Citation
Joanah Pauline, Macatangay L., (2021). Ang Dalumat ng “Datíng” Sa Pagtatanghal ng Spoken Word Poetry sa Panahon ng Pandemya. Archīum.ATENEO.
https://archium.ateneo.edu/theses-dissertations/706
