Ang Mekanismo ng Satira: Isang Tropolohikal na Sipat sa mga Video ni Juana Change
Date of Award
12-2021
Document Type
Thesis
Degree Name
Master of Arts in Literature ( Filipino) Thesis Option
First Advisor
Jerry C. Respeto, PhD
Abstract
Satira ang isa sa mga karaniwang kontra-kapangyarihang tugon ng mga manlilikha sa paghamon nito sa mapaniil na kaayusan. Sa kabila ng pagiging malaganap, maikakatuwirang nananatili pa ring palaisipan ang aktuwal na paggana nito sa loob ng iba’t ibang teksto at mga likhang-sining. Nagbubunga ang posisyong ito ng pagkakakupot ng turing sa satira na isinasalalay ang sentralidad sa pagpapatawa; at hindi na halos matukoy ang kaibahan sa ilan pang anyo ng pagpapahayag katulad ng parodiya, burlesque, farce, at iba pa. Udyok ng ganitong panunuliranin, tinatangka ng pag-aaral na dalumatin ang mekanismo ng satira upang bigyang-linaw ang mga operasyon nito bilang isang diwa at anyo. Itinatampok dito ang mga paraang satirikal sa pamamagitan ng simulain ng tropolohiya na nagbubukas ng mga eksploratibong landasin tungo sa higit na pag-unawa sa “kakanyahang” angkin ng satira. Inaasahan ding sa ginawang pagpili sa mga video ni Juana Change bilang teksto ng pag-aaral, naitatanghal ang satira bilang espasyong katatagpuan ng mga salimuot at guwang na kinakasangkapan nito tungo sa nilalayon nitong kagalingang pambayan.
Recommended Citation
John Carlo, Gloria S., (2021). Ang Mekanismo ng Satira: Isang Tropolohikal na Sipat sa mga Video ni Juana Change. Archīum.ATENEO.
https://archium.ateneo.edu/theses-dissertations/705
