Pagganap sa Pamumuno: Paano Nahuhubog ng Aktibong Pakikilahok sa Teatro ang Pamumuno
Date of Award
5-1-2023
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doctor of Philosophy in Leadership Studies, major in Organization Development
First Advisor
Mendiola Teng-Calleja, PhD
Abstract
Bagaman nakatuon ang pansin ng mga organisasyon sa paghubog sa susunod na pinuno, may lumalawak na puwang sa pagitan ng mga kasanayang taglay ng mga pinuno at ang kasanayang kinakailangan sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyang panahon. Dahilan sa nagbabagong konteksto ng mundo, tumitingin ang mga kumpanya at organisasyon sa kasanayang pansining, partikular na sa kasanayang panteatro, upang maihanda ang kanilang mga pinunong harapin ang mga bagong hamon. Siniyasat ng pag-aaral na ito ang pinagdaanang karanasan sa teatro ng mga kasalukuyang pinuno upang matukoy ang pangmatagalang bisa ng mga kakayahang panteatro sa pamumuno at maunawaan kung paano itong nahuhubog ng aktibong pakikilahok sa teatro. Ginamit ang Interpretative Phenomenological Analysis upang bigyang-katuturan ang mga datos na nakalap mula sa 12 kalahok na naging aktibo sa teatro at kasalukuyang pinuno mula sa iba’t ibang industriya. Nabatid mula sa resulta na hindi lamang kakayahang pansarili ang nahuhubog ng teatro kundi kakayahan din sa pakikipagkapwa at pakikisalo sa pamumuno. Nakita mula sa karanasang ibinahagi ng mga kalahok kung paano nilang nagagamit ang mga naturang kakayahan sa kanilang kasalukuyang pamumuno at kung paano ito nahubog ng kanilang paggawa sa mga produksiyon sa teatro, ng naranasan nilang paggabay habang gumagawa, at ng kapaligirang kanilang ginagalawan.
Recommended Citation
De La Cruz, Joseph G., (2023). Pagganap sa Pamumuno: Paano Nahuhubog ng Aktibong Pakikilahok sa Teatro ang Pamumuno. Archīum.ATENEO.
https://archium.ateneo.edu/theses-dissertations/1012
