•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

Sense and Affect: The Tropicality of Ginhawa in the Kudaman Epic

Abstract

Isinasalang ng papel sa isang interogasyon ang pagdulog sa dalumat ng “ginhawa” na sumasandig sa representasyonal na balangkas, na kadalasang nauuwi sa pagtatatag ng mga arbitraryong dikotomiya tulad ng “loob”/“labas” at ng “katutubong di-malay”/“sinakop na kamalayan.” Sa halip, nilalayon ng kasalukuyang pag-aaral na maitulak ang rasyonalidad na inihahain ng ginhawa bilang isang damdamin, na bahagi ng katutubong sensibilidad, batay sa inilalahad nitong mga parametro at nang hindi napapangunahan ng proyekto ng pagtatatag ng mga takda at estatikong identidad. Gamit ang epikong Kudaman ng tribong Pala’wan bilang teksto, partikular na interes ng gagawing pagsusuri ang pagdama sa ginhawa bilang isang kasidhian na pumapagitan sa matalik na ugnayan ng katawan at kapaligiran. Hahantong ang sanaysay sa isang proposisyon: ang ginhawa bilang kasidhian ay isang oryentasyon sa espasyong tropikal na tumatalab sa paraang mas dislokalisado kaysa naka-pook, at nagpapahayag ng isang pagka-subhetong mas dinamiko at relasyonal kaysa takda.

English Abstract

This paper considers in an interrogation the approach to the concept of “ginhawa” (lit. “relief”) that relies on representational structure, that often recourses to the establishment of arbitrary dichotomies such as “loob”/“labas” (“inside”/“outside”) and “folk unconscious”/“colonized consciousness.” In lieu of these, the present study aims to push the rationality offered by ginhawa as an affect that is part of the folk sensibility, according to the parameters it sets and not preempted by projects of establishing ascertained and static identities. Through the epic Kudaman of Pala’wan as primary text, the analysis is particularly interested in the perception of ginhawa as an intensity that mediates in the intimate relation between the body and the environment. The essay culminates in a proposition: ginhawa as an intensity is an orientation in the tropical space that effects in ways that are more dislocated than emplaced, and articulates a subjectivity that is more dynamic and relational than limited.

Share

COinS