•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

Tungkol sa Dyornal /
About the Journal

Kasaysayan ng Dyornal

Unang inilabas ang dyornal noong 1971, na may pamagat na Katipunan: Dyurnal ng Panlipunang Sining at Agham, sa ilalim ng pamamatnugot ni Nicanor Tiongson, at mga katuwang na patnugot na Bienvenido Lumbera at Virgilio Almario. Bahagi ito ng mga publikasyon sa ilalim ng Paaralan ng Sining at mga Agham ng Pamantasang Ateneo de Manila. Nakapaglabas ang dyornal ng apat na isyu, at itinigil ang pagpapatakbo nito sa pagtatapos ng taong 1971.

Alinsunod sa tunguhing panindigan at payamanin ang araling Filipino at mga lokal na kaisipan at pag-aaral, nilalayon ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila na ipagpatuloy ang mga pagsisikap para sa aralin at pananaliksik na Filipino na pinasimulan ng dating dyornal, sa pamamagitan ng mga interdisiplinaryo at multidisiplinaryong dulog sa pagharap sa mga kaisipan at isyung kaugnay sa wika, panitikan, sining, at kultura.

Mga pabalat ng unang tomo ng Katipunan

Katipunan Cover (Taon 1, Bilang 1, Enero 1971) Katipunan Cover (Taon 1, Bilang 2, Abril 1971)

Journal History

The journal first came out in 1971, with the title Katipunan: Dyurnal ng Panlipunang Sining at Agham (Katipunan: Journal of Arts and Sciences), under the editorship of Nicanor Tiongson, and associate editors Bienvenido Lumbera and Virgilio Almario. It was part of the publications under the School of Arts and Sciences of the Ateneo de Manila University. The journal came out with four issues, and operations were discontinued towards the end of the year 1971.

With the intention of upholding and enriching Philippine studies and local ideas and scholarship, the Department of Filipino of the Ateneo de Manila University aims to continue the efforts of Filipino studies and research initialized by the former journal, through interdisciplinary and multidisciplinary approaches in tackling concepts and issues related to language, literature, arts, and culture.