•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

The Lady and the King of Storms

Abstract

Kung nanaiisin ng isa na maunawaan ang relasyon sa pagitan ng mga lipunang Pasipiko at mga panahong humubog sa kanila, kinakailangang tuklasin ng isa ang mga kalayuang temporal at tropiko na namamagitan sa modernong kaalamang meteorolohiko at katutubong karunungang umiiral sa tabi nito. Sapagkat sa huli, ang panahong Pasipiko ay isang heohistorikong karanasan, umiiral bago pa man ito naging obheto ng pagaaral ng kontemporanyong kaabalahang pangklima, at kinakailangang makitunggali ng ekokritikal na pag-unawa ng panahon sa maraming paghilig na mayroon sa kasaysayan ng diskursong ito. Tinatangka ng artikulong ito ang gayong layunin sa pagkilatis ng mga tropong matatagpuan sa dalawa sa pinakakilalang relihiyosong alamat ng rehiyon, ang kay Virgen del Rosario at kay Bernardo Carpio, at pagsuri ng mga pagkakatulad at pagkakaibang matatagpusan sa pagitan nila. Sa pamamagitan ng mahambing na pamamaraan, tumutungo ang sanaysay na ito sa isang kabatiran hinggil sa relasyon ng lipunang Tagalog sa palagiang sakuna, isang pag-unawa na ang anumang hinaharap na mahalagang asahan ay kinakailangang makisangkot at makitaya sa kinabukasan, o ang walang tinag na kabukasan hinggil sa ating kagila-gilalas at makasaysayang relasyon sa panahon at sa lahat ng kalalabasang kaakibat nito.\

English Abstract

If one wishes to understand the relationship between Pacific societies and the weathers that shape them, one must necessarily explore the temporal and tropic distances that lie between modern meteorological knowledge and the folk wisdoms that exist beside it. After all, Pacific weather is a geohistorical experience, existing even before contemporary climatic concerns turned it into an object of interest, and an ecocritical understanding of weather must contend with the many turns present in the history of the discourse. This article attempts such an undertaking by examining the tropes found in two of the region’s most popular religious legends, that of the Virgen del Rosario and of Bernardo Carpio, and analyzing the similarities and differences extant between them. Through the comparative lens, this paper arrives at an insight regarding Tagalog society’s relationship with constant catastrophe, one that understands that any future worth hoping for must entangle and commit to kinabukasan, or an unflinching openness regarding our exceptional and historic relationship with weather and all the consequences this entails.

Share

COinS