•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

Where the Boac River Ends, or Leads: A Comparative Analysis of Postcolonial Ecocriticism and Eco-Cosmopolitanism

Abstract

Binabalikan ng papel ang mga alaala ng may-akda ng kaniyang kabataan at ilang pagbisita sa Marinduque upang pag-aralan ang naganap na sakunang pagtagas ng lason ng minahan sa Ilog Boac dala ng mga gawang pagmimina ng Marcopper Mining Corporation. Susuriin ng papel ang mga hangganan ng postkolonyal na ekokritisismo at eko-kosmopolitanismo upang makahanap ng angkop na balangkas teoretiko na maaaring magamit para sa isang ekokritika na lumalampas sa mga hangganang pambansa at estado, upang harapin ang mga usapin ng katarungang panlipunan at pangkalikasan nang lampas pa sa pagkakakilanlang nakabatay sa lugar tungo sa kritika ng mga hangganan. Nakapaloob ang papel sa balangkas ng pag-unawa na nagmumula sa personal na karanasang diasporiko ng may-akda, partikular sa ugnayan ng Canada at Pilipinas, na hindi naman talaga nakabatay sa kolonyal na kasaysayan ang ugnayan, kundi sa ideolohiya ng globalisasyon.

English Abstract

This paper returns to the author’s childhood memories as well as a few visits to Marinduque, to study the disastrous toxic waste spillage to the Boac River caused by the Marcopper Mining Corporation. The paper analyzes the limits of postcolonial ecocriticism and ecocosmopolitanism to find an appropriate theoretical framework that can be used for an ecocritique that exceeds the limits of the national and the state, to confront issues on social and environmental justice beyond identities based on places and toward a critique of limits. The paper includes an outline of understanding that comes from the author’s personal experience in the diaspora, particularly in the relation between Canada and the Philippines that is not based on colonial history, but on the ideology of globalization.

Share

COinS