Katipunan
English Title
Human Gaze in Television: “Wildlife” According to Born to be Wild
Abstract
Itinatampok ng sanaysay na ito ang diskusyon kung papaano inilalarawan at isinasakatawan ng lingguhang programang dokumentaryo ng GMA Network na Born to be Wild ang mga buhay-iláng (wildlife) sa Pilipinas. Gamit ang konsepto ng “human gaze” ni Randy Malamud bilang lente, mapapansing ang mga pagsasalaysay (narrative), musika, at mise-en-scène ng mga episodyo ng nasabing programang pantelebisyon ay naghahayag ng “subalternidad” ng mga buhay-iláng. Sa ilalim ng representasyon na ito, inilarawan at isinakatawan ang mga buhay-iláng ayon sa mga tropo ng infantilisasyon (infantilization) at obhektipikasyon (objectification). Ang infantilisasyon ng mga buhay-iláng ay makikita sa pagturing sa kanila ng dokumentaryo bilang mga nilalang na kawawa (helpless), mahina, at walang kakayahang protektahan ang kanilang sarili laban sa mga maaari nilang maranasang suliranin. Napapasailalim din sa tropong ito ang pagturing sa mga tao bilang tagapagligtas at tagapagprotekta ng mga hayop dahil nga sa kahinaan at pagiging kawawa ng huli. Sa kabilang banda, ang obhektipikasyon naman ng mga buhay-iláng sa dokumentaryo ay may tatlong uri. Sila’y tinitingnan bilang mga: (1) tanawin (spectacle), (2) libangan (entertainment), at (3) pangangailangan ng tao. Nagpapahiwatig ang human gaze ng pagkiling ng programa sa antroposentrikong (anthropocentric) pananaw.
English Abstract
This essay features a discussion on how the weekly documentary program Born to be Wild of GMA Network portrays and embodies the wildlife in the Philippines. Through the concept of “human gaze” by Randy Malamud as lens, the narrative, music, and mise-en-scène of the episodes of the said television program are observed to articulate “subalternity” of the wildlife. Under such representation, the wildlife is portrayed and embodied according to the tropes of infantilization and objectification. The infantilization of the wildlife can be seen in their treatment in the documentary as helpless creatures, weak and unable to protect themselves against the predicaments they might face. Under this trope, the human is also treated as savior and protector of animals because of the latter’s aforementioned weakness and helplessness. On the other hand, the objectification of wildlife in the documentary has three kinds. They are seen as: (1) spectacle, (2) entertainment, and (3) human commodity. The human gaze reveals the tendency of the program toward anthropocentric views.
Recommended Citation
Telles, Jason Paolo R.
(2019)
"Human Gaze sa Telebisyon:Ang “Buhay-Iláng” Ayon sa Born to be Wild,"
Katipunan: Vol. 4:
Iss.
1, Article 10.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol4/iss1/10