Katipunan
Abstract
Hindi na bago sa madla ang imahen ng isang fan. Subalit, problematikong isipin na ang pagpapahalagang nabubuo ukol sa kanila, partikular na yaong pagtingin sa mga kabataang babaeng taga-hanga, ay nagmumula sa paglalarawang pinalalaganap ng mito at media na palaging nauuwi sa deskripsyong humaling na humaling at isterikal sa puntong nagiging mapaminsala at kahiya-hiya kung kaya’t kinakailangang disiplinahin at bantayan. Sa pagsulong ng internet bilang panibagong espasyong kinalalagakan ang mga kabataang fans at ang kanilang mga praktis, may pangangailangang makapagbigay ng bago at masaklaw na paglalarawan sa mga fans kung saan nakapaloob ang bagong dinamika ng pakikipag-ugnayan at bagong pagtingin sa konsepto ng ‘pagbibigay suporta’ na madalas taliwas sa inaasahan at ipinapataw ng dominanteng industriya.
English Abstract
The images of fans to audiences are nothing new. However, it is problematic to think that the perceptions about them, particularly that of young female fans, emanate from myths and media depictions that describe them as fanatical and hysterical to the point of being destructive, embarrassing, and therefore needing discipline and supervision. As the internet provides new spaces for young fans and their practices, there is a need to give new and comprehensive profile to fans where new dynamics and new ways of looking and ‘showing support’ goes against the expectations and demands required for by the dominant industry.
Recommended Citation
Trinidad, Andrea Anne I.
(2018)
"Fandom, Fangirling, at Stan Culture:
Pagkilala sa Kasalukuyang Kultura ng Kabataang Paghanga
at Paghahangad sa Loob ng Bansa,"
Katipunan: Vol. 3:
Iss.
1, Article 5.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol3/iss1/5