•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

Abstract

Inilarawan ni Neil Garcia ang mga baklang manunulat bilang mga sensitibo at responsableng “participant observer” ng mga reyalidad na kanilang piniling talakayin sa kani-kanilang mga akda. Kung kaya ang mga akdang nilalaman ng Ladlad 3 (at maging siyempre ng naunang dalawa) ay pawang “…ethnographically informed textual renditions, by intimately involved actors and agents, of gay life as they have suffered and enjoyed it in the country today.” (Garcia and Remoto, “Ladlad 3” xxii) Ang etnograpikal na himig—ang bulong ng “totoo”—ang tinuntungan sa pagbasa ng mga textong susuriin sa papel na ito. Sa pagbabasa ng masining na rendisyong textual ng karanasan ng mga bakla tungkol sa kabataan at pagkabata, maaaring makita ang kanilang pakikipagtunggali at pakikipagnegosasyon sa rehimen ng heterosexualidad. Nahahati ang papel sa mga sumusunod na bahagi: paghahanap sa sarili, identipikasyon sa babae, pagkamulat sa homosexualidad, at pagpupulis sa sexualidad. Napili ang mga textong ito dahil sa kanilang paglalarawan ng kabataan at pagkabatang bakla mula sa punto de bista mismo ng bakla. Mahalaga ang implikasyon sa mga texto ng kasarian at subjectivity ng mga manunulat dahil ito ang nagbibigay bisa sa kanilang pakikitalad sa paghubog sa konsepto ng “bakla,” partikular ang paghubog sa bata at kabataang “bakla.”

English Abstract

Neil Garcia describes gay writers as sensitive and responsible “participant observers” of the realities they choose to tackle in their respective works. The texts contained in Ladlad 3 (Coming Out 3) and even in the previous anthologies are “…ethnographically informed textual renditions, by intimately involved actors and agents, of gay life as they have suffered and enjoyed it in the country today.” (Garcia and Remoto, Ladlad 3, xxii) This ethnographic tone—the whispers of “truth”—becomes the stepping stone for the analysis of texts in this paper. Through the reading of artistic textual renditions of the gay experience on youth and childhood, one can see the conflicts and negotiations with the regime of heterosexuality. The paper is divided into the following parts: self-discovery, identification with women, homosexual awakening, and the monitoring and surveillance of sexuality. The texts were chosen because of their depictions of gay youth and childhood from perspectives that are decidedly gay. The gender and subjectivity of the writers bear significant implications to the text because it lends authenticity to their journey in shaping concepts of being “gay,” especially in developing children and “gay” youth.

Share

COinS