Katipunan
Abstract
Inilalahad sa artikulong ito ang kawing-diwang anti-kolonyal sa pagsasaling pambata. Tampok dito ang mga halimbawang tunguhin ng pagsasaling pambatang Filipino na pinamunuan ng mga muling pagsasalaysay at saling pambata ni Jose Rizal. Isinisiwalat ng papel ang makasaysayang pagtuon ng mga akdang ito sa pagbibigay-halaga sa pagkabatang Pilipino na kaugnay at kaakibat rin ng mga hangarin ng bayani ukol sa pagkakamit ng pagkakapantay-pantay sa mga Espanyol. Sa paglikha ng mga muling pagsasalaysay para sa batang Pilipino, binalikwas ni Rizal ang kalakarang moralistiko at relihiyoso na namayani sa pananakop ng mga Kastila. Sa pagpili ng pabula at ng paghahambing nito sa isa pang akdang Asyano, iginigiit ng kanyang muling pagsasalaysay ang bisa ng kulturang popular bilang sisidlan at daluyan ng kontra-gahum at subersibong sensibilidad para sa mga naaapi. Samantala, sa pagsasalin sa mga akda ni Andersen sa Tagalog, nailatag ang mga prinsipyo sa pagpili ng teksto, mga katangian ng isang mahusay na tagasalin at ang pagsusulit-wikang iniaambag nito sa ating wika. Sa gitna ng lahat ng ito, ang mga inisyatiba ni Rizal ay naghawan ng landas upang magsimula ang panitikang pambata bilang anyong may hangaring ikawing ang mga batang Pilipino sa pagkabatang lampas at labas sa pagiging kiming tagasunod sa mga mananakop. Inilunsad ng mga akdang ito ang panitikang pambatang nagpapahalaga sa katutubong panitikan at umuugnay sa mga makabuluhang panitikan sa daigdig upang malinang ang pagkabatang may dignidad, malikhain at mapanuri.
English Abstract
This article shows the anti-colonial nature of translating for children. It features examples of Filipino translations for children whose objectives are oriented towards the retelling and translations of Jose Rizal. The paper exposes the historic significance of these works by giving importance to the Filipino youth as a vital component of the hero’s hopes of achieving equality with the Spaniards. By creating retellings for the Filipino youth, Rizal is able to disassemble moralistic and religious systems that dominated Spanish rule. By choosing a fable and comparing it to other Asian texts, his retellings emphasize the power of popular culture as bearer and stream of counter-hegemonic and subversive sensibilities for the downtrodden. Meanwhile, in translating Andersen’s works to Tagalog, the principles for selecting texts and characteristics of a good translator are laid out, and the challenges it contributes to the development of our language. In the middle of all these, Rizal’s initiatives have set the path for children’s literature to make sure that its form will be accommodating of expressions of Filipino youth that goes above and beyond becoming passive followers of our colonizers. These works launched children’s literature as a flagbearer of local literature and which connects to the relevant literary practices from all over the world that is consistent in developing children with dignity, creativity and criticality
Recommended Citation
Fajilan, Wennielyn F.
(2018)
"Pananalig sa Bata:
Ang Paghahawan ng Landas para sa Pagtataguyod
ng Panitikang Pambatang Filipino ng mga Muling Pagsasalaysay
at Saling Pambata ni Jose Rizal,"
Katipunan: Vol. 3:
Iss.
1, Article 2.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol3/iss1/2