•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

Abstract

Isinasalaysay ng Barbara’s Philippine Journey (1913) nina Frances Williston Burks (may-akda) at Hermann Heyer, Earl Horter, at G. W. Peters (mga tagaguhit) ang paglalakbay ni Barbara, isang batang taga-New York, kasama ang kaniyang mga magulang at kaibigan, sa iba’t ibang lugar sa Kapuluang Pilipinas (Philippine Islands) sa ilalim ng pamamahalang Amerikano. Mahihinuhang mahalagang lunan dito ang Benguet, na naitampok sa walo sa 22 kabuuang bilang ng kabanata. Sa berbal-biswal na panunuri ng banghay at mga tauhan gamit ang kalitatibong pamamaraan, at ng mga elementong leksikal, kadalasan ng paglitaw, at kolokasyon ng mga ito gamit ang kantitatibong pamamaraan (sa lilim ng tinaguriang “Digital Humanities”), maipapakita ang taglay na mga pampolitika, pangkalinangan, at ideyolohikal na kaisipan sa isang kolonyal na akdang pambata.

English Abstract

Author Frances Williston Burks and illustrators Hermann Heyer, Earl Horter, and G. W. Peters’ Barbara’s Philippine Journey (1913) narrates the journeys of Barbara, a child from New York, along with her parents and friends around various places in the Philippine Islands during US colonial rule. One can infer the importance of Benguet as setting, which features heavily in eight out of 22 chapters. Using a combination of the qualitative methods of verbal-visual analysis of the plot and characters, and quantitative methods such as lexical elements, frequency of use, and collocation (under the “Digital Humanities”), the political, cultural and ideological ideas contained in colonial children’s text can be brought into the fore and analyzed.

Share

COinS