Katipunan
English Title
Toward the Possibility of Apocalypse: Film and Criticism, Palabas and Paloob
Abstract
Problematiko ang pagkukulong sa representasyon ng apokalipsis bilang “panghinaharap na palagay” sapagkat inilalayo ng ganitong paradigma ang dalumat na ito mula sa pangkasalukuyang karanasan nito sa iba’t ibang anyo sa iba’t iba ring dimensiyong pang-espasyo. Sa pagkiling sa paghaharaya sa apokalipsis alinsunod lamang sa pantastikong palaugnayang, nakapangyayari ang pagkahumaling sa umaatikabong pagtatapos sa hinaharap: ang pagdating ng mga halimaw, ang pagbuka ng lupa, ang paghagupit ng delubyo, ang pag-ulan ng apoy. Peligroso ang pagkahumaling na ito sapagkat naisasahangganan nito ang imahen ng apokalipsis bilang pawang nasa wangis ng mga nabanggit. Sa pagsasahangganang ito, natuturol bilang kabalintunaan higit sa anupaman ang anumang tangkang representasyon sapagkat sa katiyakan sa mga pagpapalagay na nakahabi sa ginagawang representasyon, nabubura ang kawalang-katiyakan sa pakahulugan sa apokalipsis. Kritikal kung gayon para sa kabalintunaang ito ang kritisismo: ang pagpaparating ng krisis sa ipinagpapalagay na katiyakan; isang apokalipsis: paglalahad ng posibilidad.
English Abstract
The problematique is the binding of representation of apocalypse as “hypothetical future,” as such paradigm displaces this concept from its present experience in different forms in different spatial dimensions. In turning toward imagination of apocalypsis merely according to fantastic syntax, the obsession on a surging ending in the future takes place: arrival of the monstrous, rupture of the earth, rage of tempest, rain of fame. Perilious is such obsession as it binds the image of apocalypse as merely in the semblance of the aforementioned. In such boundary, declared as a foremost irony are any attempts at representation, as in the certainty on the hypothesis woven to the representation performed, erased is the uncertain in the meaning of apocalypse. Critical therefore for this irony is criticisim: the arrival of krisis in the hypothesized certainty; an apocalypze: a revelation of possibility.
Recommended Citation
Benitez, Christian Jil R.
(2017)
"Tungo sa Posibilidad ng Apokalipsis:
Pelikula at Kritisismo, Palabas at Paloob,"
Katipunan: Vol. 2:
Iss.
1, Article 7.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol2/iss1/7