Katipunan
English Title
From Text Back to Materiality: Abanao Square as a Cultural and Social Process
Abstract
Ang Abanao Square ay maituturing na isa sa mga pangunahing pamilihan sa lungsod ng Baguio, bagamat isa rin ito sa mga pinaka-naapektuhan ng pagkakatayo ng malaking SM Baguio Mall noong 2004. Matatagpuan sa gitna ng Public City Market at ng Baguio City Hall, masasabing nakakatulong ang lokasyong ito sa pakikipagsabayan ng Abanao hindi lamang sa SM kung hindi pati na rin sa iba pang tulad nitong maliliit na shopping malls tulad ng Tiong San, Center Mall at Porta Vaga. Nilalayon ng papel na ito na tingnan ang mga kulturang nagsa-sanga-sanga sa loob at labas ng Abanao Square -- isang pamilihan sa isang lungsod tulad ng Baguio na ranas na ranas ang paglaganap ng kapital sa global na sakop. Titingnan ng papel una, kung paano gumagana ang ideya ng “simultaneity of the non-simultaneous” ni Ernst Bloch hindi lang sa pagitan ng Abanao Square at iba pang pamilihan sa Baguio kung hindi pati na rin sa loob mismo ng Abanao Square. Pangalawa, uusisain rin kung ano-anong mga “tactics” (mula sa gamit ni Michel de Certeau) ang inilulunsad ng mga mamimili upang hindi ganap na masakop ng umiiral na batas ng paggawa at pagbili sa loob ng pamilihang ito at kung ano ang mga potensyal at limitasyon ng tactics na ito. Magtatapos ang papel gamit ang isang materyalistang lenteng mula kay Teresa Ebert na tutumbok kung paano mas produktibong mauunawaan ang mga kultural na kaganapan at entitad tulad ng Abanao Square at mga binabahay nito.
English Abstract
Abanao Square can be considered as one of the primary malls in Baguio, although it is also one of the most affected when SM Baguio was built in 2004. Being ocated in the middle of the Public City Market and the City Hall has arguably Abanao Square in competing not just with SM Baguio but with other smaller and older malls such as Tiong San, Center Mall and Porta Vaga. This paper aims to look at the various cultures intersecting inside and surrounding Abanao Square – a shopping center in a city where the workings of global capital are very palpable. The paper will look mainly at the following: how Ernst Bloch’s idea of the “simultaneity of the non-simultaneous” can apply not just among the shopping centers in Baguio but also within Abanao itself; what are the “tactics” (as conceptualized by Michel de Certeau) launched by the consumers in order to evade the logic of production and consumption in Abanao and the potentials and limitations of these tactics. The paper will be wrapped up using a materialist framework mainly supplied by Teresa Ebert which will posit how we can more productively analyze cultural phenomena and entities such as Abanao Square.
Recommended Citation
Labayne, Ivan
(2017)
"Mula Teksto Pabalik sa Materyalidad:
Ang Abanao Square bilang Kultural
at Panlipunang Pag-usbong,"
Katipunan: Vol. 2:
Iss.
1, Article 5.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol2/iss1/5