Katipunan
English Title
Mauwak and Lagarian as Spaces of Alienation in Dominador Mirasol's Novel Gold is The Brown Earth
Abstract
Naiiba ang nobelang Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol sa malinaw nitong pagtatampok sa mga paghihirap ng mga magsasaka/ manggagawa sa kanayunan. Mababakas sa kanila ang pagkatiwalag at kawalang lugar sa lipunan. Inagaw ang kanilang lupa, maging ang kanilang trabaho, at muling nasadlak sa hirap sa pangkabuhayan at panlipunang aspekto. Tatalakayin ng papel na ito ang mga nabanggit mula sa Marxistang pananaw nang may tuon sa ugnayan ng mga tauhan sa kanilang kapaligiran na higit sa ano pa mang salik ay nagtatakda ng kanilang tiwalag na kalagayan at mga karanasan. Ang alyenasyon para kay Marx ay isang makapangyarihang puwersa na nagtutulak sa tao tungo sa mga negatibong udyok ng pagkaawa sa sarili, kahinaan, at karahasan, gayunman maaari ring magbunsod ng mga positibong resulta ng pagsusuri sa sarili at pagtitiwala sa sariling kaalaman. Tulad ng naging resolusyon ni Mirasol sa kanyang nobela na nagtutuon sa naisantabing lakas ng mga biktima nito, sa gayon nagmumungkahi ng landas tungo sa paglaya.
English Abstract
Dominador Mirasol's Ginto ang Kayumangging Lupa (Gold is The Brown Earth) is extraordinary in its explicit presentation of the tribulations of the peasants in the countryside. There is a sense of alienation and rootlessness existing among them. Their land, even their work was snatched away from them and they were thrown back to suffer both economically and socially. This paper tackles this problem from a Marxist perspective with emphasis on the characters' relationship to their surrounding spaces which more than any other factor determines their alienated state and experiences. Alienation for Marx is a powerful force, one that moves humans toward the negative impulses of self-pity, vulnerability, and violence, but that can also lead to positive results of deep introspection and intellectual independence. Same with Mirasol's resolution which highlights the overlooked strengths of its victims thereby suggesting paths toward liberation
Recommended Citation
Ulit, Claudette M.
(2017)
"Ang Mauwak at Lagarian Bilang Lunan
ng Alyenasyon sa Nobelang Ginto ang
Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol,"
Katipunan: Vol. 2:
Iss.
1, Article 4.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol2/iss1/4