•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

Children at the Crossroad: When the Child Meets the Street --A Visual Ethnography on the World of the Batang Crossing

Abstract

Nakatuon ang pananaliksik sa pagsusuri ng pakikisangkot ng mga Batang Crossing sa pagbuo ng kanilang reyalidad at identidad, bilang mga bata sa isa sa mahahalagang sangandaan ng Kalakhang Maynila, ang Crossing. Gamit ang lente ng Sosyolohiya ng Bata, partikular na tinutukan ng pag-aaral ang paglagi at paggamit ng naturang mga bata sa mga bahagi ng nasabing lansangan. Sa pamamagitan ng etnograpiyang biswal naisagawa ng pag-aaral ang paghahayag, di lamang sa kalagayan ng mga ito bilang mga Batang Crossing, kungdi ang pagbagtas nila sa mga nagkawing na espasyo ng lansangan, karalitaan sa lungsod at kabataan. Sa pagtuon ng pansin sa mga naturang bata, natunghayan ang Crossing bilang isa pang espasyo ng kabataan/kamusmusan –ng mararalitang bata sa lungsod, sa Crossing.

English Abstract

The research examines the Batang Crossing’s involvement in the social construction of their realities and identities as children, in one of Metro Manila’s major crossroad, Crossing. It looks at the use of public spaces, particularly the streets, by the group and the experiences unique to them through the paradigm of the Sociology of childhood. The study accounted the Batang Crossing’s engagement in the social construction, not only of their reality(ies) as Batang Crossings, but of the different spaces they traverse everyday namely: the street, urban poverty, and childhood through visual ethnography. A closer look at the children in the study showed Crossing as just another space of childhood –of the urban poor children in Crossing.

Share

COinS