•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

Flowering and Overflowing in the Art of Maruja Panti

Abstract

Bagamat madalas dalawin ng bagyo ang Catanduanes at mahirap ng buhay ng mga parahag-ot o abakalero, pinipili ng karamihan sa mga lokal na artista sa isla na magpinta ng mga payapang eksena alinsunod sa industriya ng turismo. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa Embracing Chaos (2021), inilalarawan ni Popa kung paanong bukod-tangi rito ang sining ni Maruja Panti sa sabay na pagyakap sa pagkawasak at pagsisimulang-muli ng buhay mula sa kaguluhan, gamit ang kombinasyon ng abstrakto at piguratibong estilo. Bukod sa nakatutulong ang paggamit ng abakang papel bilang kambas sa pagsulong ng industriya ng abaka sa isla, pinapansin din dito ni Popa kung paanong bumabagay ang magaspang na abaka sa estilo ng abstraksiyon ng mga pinta ni Panti. Sa huli, bilang selebrasyon ng kaniyang pagkababae, kinikilala ng sining ni Panti ang pangangailangan ng kasalungat na puwersa ng pagpapatuloy ng buhay, matapos ang pagdanas ng sakuna.

English Abstract

Although Catanduanes is frequently visited by typhoons and life is difficult for the parahag-ot or abakalero (abaca strippers), most local artists on the island choose to paint peaceful scenes in alignment with the tourism industry. Through an analysis of Embracing Chaos (2021), Popa describes how Maruja Panti’s art stands out by simultaneously embracing destruction and rebuilding from chaos, through the use of a combination of abstract and figurative styles. Besides helping promote the island’s abaca industry by using abaca paper as a canvas, Popa also notes how the roughness of this material complements Panti’s style of abstraction. Ultimately, as a celebration of her womanhood, Panti’s art recognizes the need for the opposing force of continuing life after experiencing disaster.

Share

COinS