Katipunan
English Title
Dreaming in Isabela
Abstract
Inilalarawan dito ni Bajet kung paanong isang pananaginip ang paglikha ng sining sa Isabela. Isang pananaginip na napagtatagumpayan, sa kabila ng mga pagsubok at suliranin, sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng mga artista sa paghango ng inspirasyon mula sa lalawigan. Sinusuri niya rito ang My Simple Dreams of Life Belong to Them (2000) ni Allan Balisi na maituturing na isang juvenilia, na matatagpuan sa Isabela Museum and Library. Bagamat malayo sa ikonograpiyang nabuo ni Balisi bilang artista, makikita na sa nasabing pinta ang paggamit niya ng matipid na kulay at paglalaro sa perspektiba upang makuhang danasin ang kaniyang sining ng mga tumitingin dito. Inilalarawan ni Bajet kung paano nagpapatalon-talon si Balisi bilang isang artista mula sa malalaking pag-aalsa sa kasaysayan patungong maliliit na pagtutol sa araw-araw na karahasan ng pag-iral, upang sa huli’y maging mapagpalayang teritoryo ang kaniyang likha para sa samot-saring interpretasyon.
English Abstract
Bajet draws parallels between creating art and dreaming in Isabela. Despite material and contextual constraints, creative aspirations can be realized through collaborative work among artists who draw inspiration from the region. In this article, Bajet examines Allan Balisi’s My Simple Dreams of Life Belong to Them (2000), which can be considered a juvenilia, now located at the Isabela Museum and Library. Although far from the iconography Balisi would later develop as an artist, this painting already shows his use of sparse colors and perspectival manipulation to make the viewer experience his art. Bajet describes how Balisi, as an artist, moves from discussing themes drawn from national history to local resistances to the violence of everyday life, so that in the end his work becomes an emancipatory space for various interpretations.
Recommended Citation
Bajet, Noji A.
(2025)
"Panagtagtagainep idiay Isabela,"
Katipunan: Vol. 13:
Iss.
1, Article 3.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol13/iss1/3
