•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

The “Sublime” According to the People of Tayabas

Abstract

Isang paksang mahalaga ang “Sublime” sa kaisipang Kanluranin. Ano ang katumbas nito sa kaisipang Tagalog? Ayon sa mga eksperto, ang “maringal” ay wastong salin. Pero paano ginagamit ang maringal sa Tagalog? Paano ito naiiba sa dalawang magkalapit na salitang “maganda” at “dakila”? Itong sanaysay ay isang imbestigasyong antropolohiko tungkol sa pag-unawa ng mga mamamayan sa bayan ng Tayabas, Quezon, sa isang ekspresyong pilosopiko. Nanirahan ang awtor nang ilang linggo sa Tayabas. Gumamit siya ng participant observation at key informant interview sa pananaliksik. Namili ng mga respondent sa dalawang sektor: 1) taga-nayon, at 2) taga-sentro. Sa bawat panayam, tinanong sa mga nakapanayam ano ang wastong pang-uri—“maganda,” “dakila,” o “maringal”—sa bawat halimbawang may kinalaman sa: 1) kalikasan (Bundok Banahaw, mga bituin), 2) estruktura (basilika, tulay), 3) ritwal (prosesyon), o 4) kabayanihan (Apolinario de la Cruz). Lumalabas na mas malawak ang saklaw ng “maringal” para sa mga taga-sentro kaysa taga-nayon. Nakasalalay din ang pagiging di-mawari ng isang bagay na inoobserbahan sa persepsiyon at damdamin ng obserbador. Mahalaga, samakatwid, ang konteksto ng obserbador.

English Abstract

In Western thought, the “sublime”is a key theme. What is its equivalent in Tagalog? According to experts, the correct equivalent is “maringal.” But how is this used in Tagalog? How does this differ from two closely related words “beautiful” and “noble ”? This essay is an anthropological inquiry concerning people’s understandings of a philosophical expression in Tayabas, Quezon. In doing this inquiry, the researcher made use of participant observation and key informant interviews. He selected respondents in two sectors: 1) rural villagers and 2) residents from the urban center. In every interview, the interviewee was asked what the appropriate adjective was “beautiful,” “noble,” or “sublime” for examples connected to 1) nature (Mt. Banahaw, the stars), 2) structures (basilica, bridge), 3) ritual (procession) or 4) heroism (Apolinario de la Cruz). Among those from the urban center, the applicability of the “sublime” was much wider than among rural villagers. What was incomprehensible also depended on the observer’s perception and feeling. Important therefore is the observer’s context.

Share

COinS