Katipunan
English Title
The Rhetoric of Satire of Juana Change: Aggression and Disruption
Abstract
Mabulas na sandata ang satira na may mahaba nang kasaysayan ng pagbibigay-kritika sa kapangyarihan, paglalantad ng mga kontradiksiyon, at pag-uudyok sa isipan gamit ang pamumuna at pagpapatawa. Magkagayunman, dapat ding mabanggit na bahagi ng kasaysayang ito ang pagsasailalim ng satira sa iba pang anyo. Bunga ng kadalian nitong maiangkop sa ibang genre, lumabnaw ang mga pagsasakatangian sa satira at waring nanatiling nakahimpil ito sa anino ng mga anyong higit na bago kung ihahambing dito. Buhat sa ganitong pangangatwiran, lumilitaw ang pangangailangang muling turulin ang mga katangian ng satira na nagpapatampok dito. Pinoproblematisa ng sanaysay samakatwid ang pagkanatatangi ng satira bilang genre, kasabay ng pagpapalitaw ng tensiyong tinataglay nito katambal ng politikal nitong kalikasan. Sentral sa pag-aaral ang pagtutuon sa pirasong-buhay at mga pagtatanghal ni Mae Paner bilang si Juana Change—isang personang kumatawan sa potensiya(l) ng satirikal na pagtatanghal sa internet. Sa paglalatag ng nilandas ni Paner mula personal na danas patungo sa kaniyang transpormasyon bilang isang pigurang satirikal, sinusubok palitawin ng sanaysay kung paanong nahuhubog ng satira ang mga personal na naratibo upang makapagluwal ng politikal na disposisyon. Inuusisa rin ng pag-aaral ang kasalimuotan ng retorikang kinakasangkapan ng satira nang may tuon sa dalawa nitong salik: agresyon at panliligalig. Sumisilay sa agresyon ng satira ang talim ng puna, ang malabis na paggagad, at samot-saring paraan ng pag-atake sa pinupuntirya. Kapanabay ding nagagawa ng satira ang ligaligin ang mga tagatangkilik nito sa pamamagitan ng pagbigwas sa damdamin, destabilisasyon ng mga dominanteng naratibo, at pagmamatapat. Nagluluwal ang pagsasalikop ng agresyon at panliligalig ng mga parikala at pagpapatuklas na higit na nagpapatingkad sa operasyong satirikal. Sa paglalagay sa satira sa retorikal na balangkas ng pagsusuri, nailalayo ng pag-aaral ang sentralidad ng anyo sa pagpapatawa at sa moralistikong pangangatwiran. Inilalarawan dito ang magkakasalabid na galaw ng satira na kapwa humahamon at humuhubog sa ating mga arawang pagdidiskurso.
English Abstract
Satire is a potent rhetorical weapon with a long history of interrogating power, exposing contradictions, and provoking thought through humor and critique. However, it is important to acknowledge that satire has been assimilated into other forms throughout history, leading to its adaptation within various genres. This flexibility has, in turn, diluted the defining characteristics of satire, often relegating it to the periphery of newer, more dominant literary and performative forms. Given this tendency, a need emerges to reassert the distinct attributes that make satire a unique rhetorical and political force. This study problematizes satire as a genre, emphasizing the tensions embedded within its form alongside its inherently political nature. Central to this inquiry is an exploration of the life and performances of Mae Paner as Juana Change—a persona that exemplifies the radical potential/potency of satirical performance in digital spaces. By tracing Paner’s trajectory from personal experiences to her transformation into a satirical figure, this paper examines how satire reshapes personal narratives to produce a distinct political disposition.
Recommended Citation
Gloria, John Carlo S.
(2024)
"Ang Retorika ng Satira ni Juana Change: Agresyon at Panliligalig,"
Katipunan: Vol. 12:
Iss.
2, Article 3.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss2/3
