
Katipunan
English Title
P-pop as Texts in the Literature Classroom:Exploring Themes of Colonialism, Coloniality,and Postcoloniality
Abstract
Ang pag-usbong ng P-pop o Pinoy Pop simula 2020 sa Pilipinas, at kalaunan sa ibang bahagi ng mundo, kasabay ng paglaganap ng mga naunang kawangis na genre gaya ng J-pop at K-pop, ay nagpaunlad sa perspektiba ng mga Pilipino lalo na hinggil sa genre ng Original Pilipino Music o OPM. Sa kulturang popular, ang isang talamak na pinaguusapan para sa mga tagasuporta at kapwa di-tagasuporta ng P-pop ay ukol sa kasanayan sa paglikha, pagka-orihinal, at pagiging katutubo, ng nasabing genre. Sa akademya naman, ang mga talakayan tungkol sa P-pop ay umiikot sa mga isyu ng pagkakakilanlan, multilingguwalismo, at dekolonisasyon. Sinusubukan ng papel na ito na magdagdag sa mga nabanggit na usapin sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga interseksiyon ng P-pop at panitikan. Gamit ang “kasmala,” isang awiting itinanghal ng grupong ALAMAT bilang lunsaran ng talakayan, ipinapakita ng papel kung papaanong maaaring gamitin ang P-pop upang makatuklas at makabuo ng intertekstuwal na mga relasyon sa pag-aaral ng panitikan, at upang maanyayahan din ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang kolonyal na kasaysayan at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga pagmumuni-muni na ito, mahahasa ng mga mag-aaral ang kanilang kritikal na pag-iisip at mga kasanayan sa panonood, alinsabay sa kanilang pagtuklas sa mga alternatibong paraan ng paglinang ng kanilang kaakuhan bilang mga Pilipino.
English Abstract
The rise of P-pop or Pinoy Pop, beginning in 2020 in the Philippines and much later in other parts of the world, alongside the proliferation of its Asian counterparts like J-pop and K-pop, has broadened the perspectives of Filipinos, especially in terms of the Original Pilipino Music or OPM genre. In popular culture, a common conversation among the supporters and even non-supporters of P-pop revolves around the ingenuity, originality, and being indigenous of the said genre. In the academe, on the other hand, discussions on P-pop focus on issues of identity, multilingualism, and decolonization. This paper attempts to contribute to these conversations by exploring the intersections of P-pop and literature. Using “kasmala,” a song performed by the group called ALAMAT as a springboard for discussion, this paper shows how P-pop can be used to explore and induce intertextual relations in a literature class and to further invite students to reflect on their colonial history and identity as Filipinos. Through these reflections, students can hone their critical thinking and viewing skills, while (re)discovering alternative ways to cultivate their being Filipino.
Recommended Citation
Paz, Rafael Michael O.
(2024)
"P-pop Bilang Teksto sa KlasengPampanitikan: Paggalugad sa mgaTema ng Kolonyalismo, Kolonyalidad,at Postkolonyalidad,"
Katipunan: Vol. 12:
Iss.
1, Article 8.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/8