•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

AmBEAT sa Imo!: Language and Culture inVisayan Songs (VisPop)

Abstract

Itinatampok ng VisPop o Visayan Pop Music ang isang uri ng kontemporanyong sining na layong magbahagi ng pagkakakilanlan at kultura sa katimugan ng Pilipinas. Bilang pagsabay sa kulturang popular, nagiging lunsaran ito ng kasaysayan, karanasan, at damdamin na madalas na hindi nabibigyang-pansin sa mga usaping pambansa at pandaigdig. Sa kabila nito, higit namang pinalalawak ng social media platforms gaya ng TikTok ang saklaw ng VisPop dulot na rin ng mga pakanang uso na may nakaaaliw na katangian para sa mga video, sayaw, at iba pang uri ng pagtatanghal. Nilalayon ng papel na alamin ang kaakibat na mensahe at impluwensiya ng pagsulong ng awiting VisPop sa larang ng musika. Sa pagsusuri sa tema, lirika, at estilo ng mga awiting ito sa paraan ng relay translation (pagsasalin ng mga lirika), naipakita ang taglay na kahalagahan ng ugnayan sa pagitan ng musika at pagkakakilanlan ng mga Bisaya. Bilang karagdagan, tinatalakay rito ang mga temang tulad ng pagmamahal, pagmamalaki sa pagkakakilanlan, at pamumuhay bilang mga Bisayang nakapaloob sa mga nasuring kanta mula sa mga Bisayang musikerong gaya nina Shoti, JK Labajo, ALAMAT, at Ken ng grupong SB19. Sa patuloy na pagsulong ng VisPop, ipinamalas din ang kakayahan na makisabay o mahigitan pa ang ibang mga sikat na genre ng musika na kinagigiliwan sa bansa tulad ng P-pop.

English Abstract

VisPop, or Visayan Pop Music, features a form of contemporary art that aims to depict the identity and culture of Southern Philippines. Along with the rise of pop culture, VisPop became an avenue for the expression of the history, experience, and emotions of Visayans, which are topics that are often overlooked in national and global settings. Despite this, social media platforms like TikTok allowed VisPop to further widen its reach due to the rising trends, such as videos, dance challenges, and other forms of entertainment. This paper aims to uncover underlying messages within VisPop songs and the influences that gave way to the rise of VisPop in the music industry. Analyses of the themes, lyrics, and styles of these songs exhibit the association between music and identity of Visayans. Additionally, VisPop songs explore themes such as love, national pride, and Visayan lifestyle as seen in the studied songs from renowned Visayan musicians such as Shoti, JK Labajo, ALAMAT, and Ken of SB19. The continuous rise of VisPop proves the ability of this genre to keep up with, or even surpass, other popular genres in the country, such as P-pop.

Share

COinS