•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

Storytelling by ALAMAT: The Convergence ofDeparture and Labor in the P-pop Genre

Abstract

Puhunan ng grupong ALAMAT ang pagsesentro ng kulturang Filipino sa kanilang pag-iral bilang isang P-pop boy group. Malay sa pananaw na nagpapatumal sa patuloy na kasikatan ng genre, isinasandig nila ang kanilang mga awitin at ang mga kaugnay nitong proyekto at pagtatanghal sa anumang maituturing na hayagang Filipino upang pabulaanan ang mga sabi-sabing panggagaya lang ang P-pop sa K-pop. Iniluwal ng konseptong marapat na umugat mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang mga gaganap na miyembro, naging madali para sa ALAMAT na binubuo nina Taneo mula sa Kalinga, Mo mula sa Zambales, Jao mula sa Pampanga, Tomas mula sa Albay, R-Ji mula sa Eastern Samar, at Alas mula sa Davao City, na matugunan ang pangangailangang multilingguwal na ideal na kumakatawan sa Filipino bilang pambansang wika na sinasaklaw at pinaghahalo-halo ang gamit ng lahat ng wikang sinasalita sa Pilipinas. Bukod sa wika, interesanteng nahahabi rin ng ALAMAT sa kanilang mga inilalabas na proyekto ang kasalimuotan ng kategoryang “Filipino.” Sa pagsipat sa kanilang mga gawa, mababakas ang nagsasapin-saping artikulasyon ng pangkat hinggil sa Filipino na hindi lang binubuo ng pagkilala sa masisiglang katutubong pamayanan na may angking paniniwala at tradisyon, kundi isinasaalang-alang din ang kasalukuyang implikasyon ng mahabang kasaysayan ng pananakop lalo na sa usapin ng mailap na panlipunang mobilidad at mabuway na ekonomikong estado ng Pilipinas sa global na kalakaran. Layong maidiin kung paano nakikipangusap ang grupo sa magkaakibat na pangangailangan ng paglalakbay at paggawa sa kontekstong Filipino, gagalugarin ng papel ang naratibong alok ng awitin at music video na “ILY ILY”—hango sa katutubong awiting Hiligaynon na “Ili-Ili, Tulog Anay”—na hayagang iniuugnay ang penomenong OFW sa Kristiyanong naratibo ng Pasyon at tradisyon ng penitensiya. Gamit bilang lunsaran ang mga diskursong alok ng unang awitin, susubuking pagkawing-kawingin sa papel ang iba pang pakikisangkot ng ALAMAT sa paggalugad ng kasalimuotan ng paggawa mula sa pagtatampok ng pisikal na pagtatrabaho ng mga Manong sa America sa music video na “kasmala,” pagpapasilip ng pagkayod ng batang katawan sa “Say U Love Me,” hanggang sa pagamin ng totohanang pakikipagsapalaran ng mga miyembrong bumubuo sa pangkat sa awiting “Manila Dreams.”

English Abstract

ALAMAT capitalizes on centering Filipino culture in their existence as a P-pop boy group. Aware of the perspective that stunts the popularity of the genre, they ensure that their songs and other related projects undoubtedly features anything that is distinctly Filipino to disprove claims that P-pop is simply an imitation of K-pop. Started as a concept that each member should hail from different parts of the Philippines, it became easy for ALAMAT composed of Taneo from Kalinga, Mo from Zambales, Jao from Pampanga, Tomas from Albay, R-Ji from Eastern Samar, and Alas from Davao City, to respond to the multilingual need to fully represent Filipino as a national language that encompasses and combines the use of all languages spoken in the Philippines. Apart from language, it is interesting that ALAMAT also weaves into the projects they release the complexity of the category “Filipino.” In examining their works, one can trace the groups’ layered articulation regarding Filipino that does not only recognize vibrant indigenous communities with rich beliefs and tradition, but also takes into account the current implication of the long history of colonization especially on the issue of elusive social mobility and the precarious economic state of the Philippines in the global scale. Aiming to emphasize how the group confronts the intertwined need to depart one’s place in order to work in the Filipino context, the paper will explore the narrative offered by the song and music video “ILY ILY”—that is adapted from the Hiligaynon folk song “Ili-Ili,Tulog Anay”—that obviously connects the OFW phenomenon to the Christian narrative of Pasyon and tradition of penitensiya. Using the discourses offered by the song as an entry point, the paper will attempt to interconnect how ALAMAT further engages with and explores the intricacies of labor from featuring the physical work done by the Manongs in America in their music video “kasmala,” having a glimpse of the struggles of young bodies at work in “Say U Love Me,” and highlighting the candid admission of their real-life journey as members in their song “Manila Dreams.”

Share

COinS