Katipunan
English Title
Orasyon, Bisa, and Messiah in the Nightclub:A Traslación of Religious Image
Abstract
Tuon ng sanaysay na ito ang relihiyosong imahen na lunsaran ng artista ng kaniyang komprontasyon sa pananampalataya. Sa pagpili ng Orasyon: Dasal ng Pamilyang Pilipino ng Museo ng UST, Bisa ni Marco Ruben Malto II, at ang pagtatanghal ni Pura Luka Vega, inusisa ang mga artistikong estratehiya sa biswalidad at subteksto bilang patunay ng pleksibilidad at mobilidad ng imahen. Gamit ang idea ng “traslasyon” bilang turing sa pagsusubaybay ng mga katangiang ito, magiging ruta ang mga eksibisyon at pagtatanghal upang ipakita kung paanong lumilipat ang relihiyosong imahen mula sa sagradong lugar na pinanggagalingan nito patungo sa iba pang mahahalagang lunan ng diyalogo ng relihiyosong turing sa makasining na gawain. Sa huli, makararating ang sanaysay sa hantungan kung saan iginigiit ang impluwensiya ng pananampalataya sa sining at ng kritikalidad para sa larangan.
English Abstract
This essay spotlights the religious image as a launching pad for the artist’s confrontation with faith. In selecting Orasyon: Dasal ng Pamilyang Pilipino of UST Museum, Bisa of Marco Ruben Malto II, and the performance of Pura Luka Vega, artistic strategies on their visuality and subtext were evaluated as proof of the flexibility and mobility of the image. Using the idea of “traslación” to approach the monitoring of these characteristics, the exhibitions and performance are perceived as routes to capture how the religious image moves from its sacred origin to other significant settings of the dialogue on the religious approach to the practice of art. To conclude, the essay will arrive at its destination to assert the influence of faith in art and the criticality for the field.
Recommended Citation
Bajet, Noji A.
(2023)
"Orasyon, Bisa, at Mesiyas sa Nightclub: Isang Traslasyon ng Relihiyosong Imahen,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
2, Article 80.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/80