Katipunan
English Title
Buayahon
Abstract
Ang akdang “Buayahon” ay isang paggalugad sa posibilidad ng pagkukuwento sa personal na danas tungkol sa isang penomenon, sa anyo ng isang autofiction, gamit ang unang panauhan. Ang autofiction ay isang uri ng maikling kuwentong nagsasalaysay ng naratibong halaw sa totoong buhay. Nangangahulugang ito ay nakaangkla sa realidad at totoong pangyayari hinggil sa buhay ng isang awtor na kaniyang inilalantad sa anyo ng isang kuwento na kakikitaan pa rin ng sariling balangkas, tauhan, may sariling suliranin na kailangang solusyunan, may banghay na sinusunod, at nag-iiwan ng iisang kakintalan. Ang ganitong pag-aakda ay isang uri ng pagtatangkang pagtagpuin ang realidad at posibilidad. Ito ay pagtatagpo ng pagtatago at paglalantad. Pagtatago sa totoong pangyayari sa buhay ng isang tao upang protektahan ang identidad ng mga tao sa kuwento ngunit ito rin ay paglalantad ng katotohanan hinggil sa isang penomenong kagila-gilalas at madalas hindi kapani-paniwala. Layunin nitong sagutin ang mga tanong na: Sino ang buwaya? Ano ang buayahon? Ano ang tunay na kapangyarihan ng mga buwaya sa literal, espiritwal at metapisikal na antas? Sino ang sumumpa at paano ito mababali ng isang buayahon bilang isang taong may sariling hangganan? Tinatangka rin ng akdang ipinta ang kakaibang hulagway ng isang komunidad na naniniwala pa rin sa pamahiin at iba pang maaaring paniwalaan. Ito ay pagsasatitik ng danas ng awtor bilang isang buayahon at pagiging malay sa tunay na gahum ng mga buwaya o balanghitao sa kalibutan na ating ginagalawan, lalo na ang buwayang nakatira sa palad at kapalaran ng tauhan.
English Abstract
The story “Buayahon” aims to explore the possibility of narrating a personal experience based on certain phenomenon in a form of autofiction using first person point of view. Autofiction is a type of short story that tells a narrative based on real life. It means that it is anchored in the truth and real events regarding the life of an author but the story itself still has its own plot, characters, conflict that needs to be solved, resolution, and ending. Such writing is an attempt to blend reality and the possibility. This is somehow trying to reveal and conceal. It is trying to hide and protect the real identity of the characters in the story but at the same time this is the author’s way of showing her truth about her folklore, the mystery, the unbelievable. It aims to answer the question such as: Who is the real crocodile. What is buayahon? What is the real power of a crocodile in the literal, spiritual and metaphysical level? Where is the curse coming from, and how a human being can possibly prevent or avoid the curse if she is limited? The story tries to share to the reader some important traditions, customs, and superstitious beliefs of the people in the barrio. A way of documenting the author’s state buayahon, her own way of understanding the power of her crocodile or the spirit crocodile that lives within her, and her world.
Recommended Citation
Leceña, Hannah A.
(2023)
"Buayahon,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
2, Article 75.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/75