Katipunan
English Title
Eve
Abstract
Tangkang ilatag sa talang ito ang konteksto at proseso sa likod ng pagsusulat ng maikling kuwentong “Bisperas.” Sa akda, naging lunsaran ng sari-sari at maligoy na pagninilay ang bisperas ng inagurasyon ni Bongbong Marcos bilang pangulo. Binigyang-diin din sa tala ang ilang pormal na katangian ng kuwento, gaya ng tuloy-tuloy na pagsalaysay, paggamit sa mga estratehiya at aparato ng kuwento at sanaysay, at self-reflexive na pag-usisa sa nosyon ng naratibo. Tampok sa mga ito ang pagkilala sa mas mahabang kasaysayan ng panunumbalik ng mga Marcos at sa pangkalahatan ay tangkang lumikha ng espasyo para maghain ng malikhaing tugon sa panlipunang krisis. Bilang paggiit sa bisa ng panulat sa ganang ito, ipinanunukala na maaaring ituring na pagpapatuloy ng mahabang tradisyong anti-Marcos sa panitikang Filipino ang mga akdang tungkol sa ikalawang rehimeng Marcos katulad ng kuwento.
English Abstract
This note seeks to outline the context and process behind the writing of the short story “Bisperas” (Eve). In the work, the eve of the presidential inauguration of Bongbong Marcos becomes an opportunity for meandering meditations on a range of subjects. The note also foregrounds the work’s formal characteristics, from the unbroken narration to the use of strategies and tools of both fiction and non-fiction, and the self-reflexive inquiry into the nature of narrative itself. Foremost here is the recognition of the long history within which the return of the Marcoses can be situated and the attempt to carve a space where a creative response to the social crisis can be offered. Asserting the role of writing in this light, the note proposes that works that engage the second Marcos regime can be seen as part of the long anti-Marcos tradition in Philippine literature.
Recommended Citation
Diaz, Glenn
(2023)
"Bisperas,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
2, Article 46.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/46