Katipunan
English Title
Sonetoismo
Abstract
Ang Sonetoismo ay isang buong sonetong sunuran. Constraint-based ang proyekto at nakatali sa aking praktika ng konseptuwal na pagsulat at apropriyasyon. Naglalaman ng mga sonetong isinulat kada araw (mala-talaarawan), ngunit may puwang para sa inasahang minsanang pagpalya at sinikap tugunan ito sa pagsulat ng higit pa sa isang soneto sa ibang araw. Sapagkat arawang soneto—ito ay pagdama, pagmarka, pag-alaala, pagninilay, selebrasyon, at pagpupugay sa araw-araw— sa karaniwan at natatanging mga bagay, tao, at pangyayari kapwa sa mga karaniwan at natatanging araw, gamit hanggang maaari ang pinakakaraniwan at pinakapayak na paraan ng pagtula mula wika at mga kasangkapang estetiko, retoriko, at apropriyatibo. Pangunahing inspirasyon at konseptuwal na nililingon ng buong proyekto ang seryeng Today ng biswal na manlilikhang Hapones na si On Kawara. Isinusulong sa Sonetoismo ang pormal na imbestigasyon at interogasyon ng anyo sa pamamagitan ng lingguwistikong inobasyon at pagpapakita o pagpapamalay ng proseso ng pagbubuo-pagbabaklas ng mga soneto. Binibigyang-diin ang tula bilang proseso at ang anyo hindi lang bilang hubog kundi, ang mas mahalaga, bilang puwersa, dahil sa pagkasangkapan sa anyo ng sunuran.
English Abstract
Sonetoismo is a constraint-based, full-length sonnet sequence tied to my practice of conceptual writing and appropriation. Written diaristically, however, it leaves room for occasional failure and attempts to address this by writing more than one sonnet at a later date. The daily sonnets are an attempt at perceiving, marking, remembering, reflecting, celebrating, and paying tribute to the everyday—to ordinary and extraordinary things, people, and events both on ordinary and extraordinary days, using as much as possible the most ordinary and simplest way of writing poetry from language and aesthetic, rhetorical, and appropriative devices. The entire project takes its prime inspiration and conceptual basis from the Today series by the Japanese visual artist On Kawara. Sonetoismo advances a formal investigation and interrogation of form through linguistic innovation and displays awareness of the process of constructing and disassembling the sonnets. The emphasis is placed on poetry as a process and on form not only as configuration but, more importantly, as force, through the employment of the sequence.
Recommended Citation
Arguelles, Mesándel Virtusio
(2023)
"Sonetoismo,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
2, Article 44.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/44