Katipunan
English Title
Doors
Abstract
Ang talang ito ay naglalayong talakayin ang konteksto at proseso ng proyektong “Doors,” isang hybrid nonfiction na humahamon sa tradisyonal na estruktura ng naratibo. Ang proyekto ay isang nonlinear at nagbabagong-anyong sanaysay na maaaring basahin sa anumang pagkakasunod-sunod sa gawang-sining na origami. Ang kolaborasyon sa proyektong ito ng may-akda at ng komikerang si Emiliana Kampilan ang kumakatawan sa pagnanasang lesbiana na maaari lamang mailahad sa pagsusulat na radikal, ayon sa teorya ni Nicole Brossard. Bagamat limitado ang pisikal na kopya ng zine, ang bersiyon sa video na may voiceover, pati na rin ang mga retrato ng bawat tupi, ay nagpapalawak ng saklaw nito. Sumasalamin ang proyekto sa paglalakbay ng may-akda sa pagtanggap sa sarili bilang manunulat na lesbiana at pagtatangkang sumulat nang labag sa mga kumbensiyon ng sanaysay bilang pagtanggi na rin sa dating pag-iisip ukol sa kasarian at uri.
English Abstract
This prefatory note aims to discuss the context and process of the project “Doors,” a hybrid nonfiction text that challenges the traditional structure of narrative. The project is a non-linear and shape-shifting essay that can be read in any order in an origami zine. The collaboration in this project between the author and komiks artist Emiliana Kampilan embodies lesbian desire that can only be expressed through radical writing, according to the theory of Nicole Brossard. Even though the physical copies of the zine are limited, the video version with a voiceover, as well as the pictures of each fold, expands its reach. The project mirrors the author’s journey toward accepting herself as a lesbian writer and attempting to write outside of the conventions of the essay to subvert her old thinking about gender and genre.
Recommended Citation
Cruz, Jhoanna Lynn and Kampilan, Emiliana
(2023)
"Mga Pinto,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
2, Article 30.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/30