Katipunan
English Title
Sites of Nostalgia
Abstract
Lulan ng mga larawan ang mga alaala. Balon ng mga larawan at ng mga salita ang mga alamat. Lagom at balak ng balangkas na mga larawan at ng pinaglapat na mga salita ang magsisilbing libingan ng mga teksto at bantayog ng salin at sipi sa kung anong pag-agpang ng buhay o sa kung anong maaaring pag-agpang ng buhay na hindi nakapagtotoo dahil sa mga panlabas, at kalimitang panloob, na pagkalansag at pagkagambala. Ang lupon na ito ay isang pagsulong sa pakikipagsapalaran at pag-aalsa sa mga kulungan ng mga sariling larawan at ng mga sariling salita—sa mga pagbati ng pighati at sa mga lupon ng pananabik at pag-aasam, sa paglulan ng mga larawan sa mga alaala, sa pagbalon ng mga salita sa mga alamat, ng mga kataga sa mga sugat, ng ihip ng hangin sa mga panaginip.
English Abstract
Pictures and photographs carry memories. Stories, in turn, are a wellspring of images and words. The précis and purpose of the portrayed images and of the placement of words will serve as a grave for the texts and a monument for translation and passages in whatever adaptation of life, or the possible adaptations of life, that would have not come to manifest owing to external, and often internal, wreckage and disruptions. This poetic cycle is kind of venture towards adventurism and a form of revolt against the prison blocks of self-images and self-words—in the welcoming of sorrow and in the sheltering of longing and hope, in the bearing of memories through photographs and images, in the welling of words from the records, of the wording of the wounds, of the whistling of winds in one’s own reveries and dreams.
Recommended Citation
Javier, Jeffrey B.
(2023)
"Mga Pook ng Galimgim,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
2, Article 18.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/18