Katipunan
English Title
Redressive Nationalisms, Queer Victimhood, and Japanese Duress
Abstract
Nagsisilbing kapaki-pakinabang na rurok ang mga nagbabanggaang representasyon ng mga comfort woman at japayuki sa pag-unawa sa kung paano hinaraya ang pagkabiktima ng mga babae, partikular sa kung paano ikinabit ang nasabing pagkabiktima sa mga nasyonalismong kontra-Hapones at mga panawagan para sa paghilom. Napalilitaw ng mga nabanggit na representasyon ang halaga ng tinatawag ng may-akda na “redressive nationalims,” at isinasalin sa kasalukuyang artikulo bilang “mapagcorrectedby na nuwashunalizims,” nang ginagamit ang isang barayti ng wikang queer. Kasangkot sa mapagcorrectedby na nuwashunalizims ang pagpapagana ng damdaming makabayan at marubdob na nasyonalismo sa pag-uugnay nito sa mga simboliko at ekonomikong anyo ng paghilom. Kaugnay din ng mapagcorrectedby na nuwashunalizims ang pagpapaikot ng mga heteronormatibong nosyon ng pagbiktima, karahasan, at pagpapanauli, lalong-lalo na kung ang mga nabanggit na konstruksiyon ay pinahihintulutan, ipinagpapatuloy, at ginagawang institusyonalisado ng bansa-estado. Nagkakaroon ng epekto ang mapagcorrectedby na nuwashunalizims sa kung paano nakikipag-ayos ang Pilipinas sa masalimuot at hindi pantay na relasyon nito sa dating mananakop, sa isang panahong nagbago na ng papel ang Hapon tungo sa pagiging internasyonal na kasosyo sa negosyo sa loob ng magkakakawing na globalisasyon. Sa loob ng gayong politikal na konteksto, paano kaya maaaring ilantad at tuligsain ng mga artistang queer ang mga estratehiyang biswal, retoriko, at pambalarila ng mapagcorrectedby na nuwashunalizims sa pagsasadiwa ng pagkabiktima ng Filipina? Sinusuri ng kasalukuyang artikulo ang The Sex Warrior and the Samurai (1996) ni Nick Deocampo, isang pelikula na nagpapakita ng kalat, episodiko, at magaspang na mga kuwentong gumagambala sa imahen ng comfort woman at japayuki, nang tinuturol ang integral (at tunay ngang radikal) na relasyon sa pagitan ng “kalatchuchi-ness” (pagiging makalat) at “nyuweer-ness” (“pagiging queer”).
English Abstract
The contradictory representations of comfort women and japayukis serye as useful flashpoints for understanding how female victimhood has been imagined, particularly when such victimhood is coupled with anti-Japanese nationalism and demands for redress. Such representations foreground the significance of what the author calls redressive nationalisms. Redressive nationalisms involve the activation of patriotic sentiment and nationalistic zeal by linking such nationalistic fervor to symbolic and economic forms of redress. Redressive nationalisms also involve the circulation of heteronormative notions of victimhood, violence, and reparation, especially when these constructs are condoned, reproduced, and institutionalized by the nation-state. Redressive nationalisms affect how the Philippines negotiates its complex and often unequal relationship with its former colonizer, at a time when Japan has shifted into the role of international business partner in an age of interlocking globalizations. Given such political contexts, how might queer artists expose and critique redressive nationalism’s visual, rhetorical, and grammatical strategies for articulating Filipina victimhood? This article examines Nick Deocampo’s The Sex Warrior and the Samurai (1996), a film that portrays messy, episodic, and highly textured stories that queer the figure of the comfort woman and the japayuki, as it gestures to the integral (and indeed, radical) relationship between “messiness” and “queerness.”
Recommended Citation
Diaz, Robert
(2023)
"Mapagcorrectedby na Nuwashunalizims, Pagkajiktimang Nyuweer, at Kalupitan Jones dela Nyoponiz,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
1, Article 9.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss1/9