•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

American Tropics

Abstract

Sinusuri ng American Tropics ang teoretiko at historikong muhon ng terminong ito sa mga araling postkolonyal, Americano, Asyano Americano, at pampanitikan. Nagpepresenta ang “tropikong Americano” buhat sa imperyal na pagnanasa at pantasyang Americano ng iba pang mukha ng kultural na harayang Asyano Americano upang madesentro ang imigrasyon at eksklusyon bilang pangunahing tuon ng pagbubuong panlahi ng Asyano Americano. Kung mahalagang bahagi ng mga identidad na Asyano Americano ang imperyalismong kultural at ekonomikong Americano bilang “pagbubuong panlipunan” sa mga ito, para hiramin na rin ang pagtukoy nina Omi at Winant hinggil sa lahi at pagsasalahi, paano hinuhubog ng pagnanasang imperyal na ito ang panlipunang harayang Asyano Americano? Lumikha ang puwersahang (di-)pagkakabilang ng Pilipinas sa domestikong mundo ng Estados Unidos ng isang maanomalyang anyo ng “imigrasyon” sa loob ng espasyong nasyonal, pati na ng “ingklusyon” ng isang napailalim na legal na subheto. Sa pagsusuri sa kasaysayan ng Estados Unidos at mga gawain ng estado na alinsabay na nasa labas ng at nakapaloob sa mga hangganan nito, nakikilala ang mga alternatibong subhetibidad na Americano na umuusbong mula sa mga gayong pagkakabinbin at pagka-labas-loob.

English Abstract

American Tropics examines the theoretical and historical underpinnings of the term in postcolonial, American, Asian American, and literary studies. The “American Tropics” forged out of American imperial desire and fantasy presents another facet of the Asian American cultural imagination to decenter immigration and exclusion as the primary loci of Asian American racial formation. If American cultural and economic imperialism is an integral part of Asian American identities as a “social formation,” to borrow Omi and Winant’s phrase about race and racialization, how does this imperial desire inform Asian American social imagination? Forcible (un)incorporation of the Philippines into the US domestic sphere created an anomalous form of “immigration” within national space as well as of “inclusion” of subordinated legal subject. Accounting of US history and state activities along enfolded—that is simultaneously inside and outside— borders, recognizes alternate American subjectivities emerging from such enfolding and suspension.

Share

COinS