Katipunan
English Title
Serving Stories
Abstract
Sumipi ang Mga Nagsisilbing Kuwentuhan sa apat na akda—nina Conchitina Cruz, Allan Derain, Jhumpa Lahiri, at Timothy Bewes— kung saan may bahaging tungkol sa isang tagasilbi, isang kasambahay, o isang eskribyente. Madalas nang banggitin ang ugnayan at tunggalian ng master at slave at maraming permutasyon at salin nito: naghahari at pinaghaharian, amo at alipin, taga-utos at utusan. Bahagi ng kritikal na pihit sa diskursong pangkaalaman, at politikal na praktika ang pagbibigay-pribilehiyo, kundi man pati kapangyarihan, sa mga naaapi, sa mga alipin, sa mga pinaghaharian. Tangka ang Mga Nagsisilbing Kuwentuhan na bigyan sila ng pansin habang pinagagana ang metodo ng pangongopya, isang pamamaraan ng paglikha na masasabi namang marhinalisado, tinutugis, o hindi hinihikayat sa larangan ng panitikan at sining. Narito, kung gayon, ang tambalan ng mga marhinalisadong tauhan na pinagalaw at pinagkabit-kabit sa tulong ng isang marhinalisadong pamamaraan—ang pangongopya.
English Abstract
Serving Stories copies from four works—by Conchitina Cruz, Allan Derain, Jhumpa Lahiri, and Timothy Bewes—featuring a servant, a housekeeper, and a scrivener. The relationships and struggles between the master and slave among its many permutations—powerful and powerless, oppressor and oppressed—have been well written about and cited. A recent turn in political practice and knowledge and discursive formations aims to privilege and empower the marginalized and the oppressed. Serving Stories locates itself in this turn, spotlighting the subordinated servants and scriveners while also putting to test a similarly subordinated strategy in writing: copying. The work then fashions a creative text centering on marginalized characters and using a marginalized creative writing technique.
Recommended Citation
Labayne, Ivan Emil A.
(2023)
"Mga Nagsisilbing Kuwentuhan,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
1, Article 2.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss1/2