Katipunan
English Title
Women in Small-Scale Quarry in the Land of Beauty and Bounty
Abstract
Inilatag ang mga pagmumuni-muni, obserbasyon at pagsisiyasat sa mga tinig ng kababaihan sa kuwarehan sa isang siyudad na industriyalisado, ang Iligan City, lugar sa Lanao de Norte na tinaguriang Land of Beauty and Bounty. Inilagay sa sentro hindi lamang ang pagsusumikap, tagumpay, kundi maging ang paghihirap, mga suliraning kinakaharap, at mga pangarap ng mga kababaihang tinaguriang kuwaredora. Sampung kababaihan sa kuwarehan ang naging kalahok sa pamamagitan ng metodong referral na siyang angkop dahil magkakilala ang lahat sa Ilaya. Natagpuang mapagkukunan ng mayamang kuwentong bahagi ng kasaysayan ng lipunang Iliganon, Lanaon, Pilipino, at kababaihan ang Ilaya bilang kuwarehan at lipunan. Sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan, obserbasyon, pakikipamuhay, at pakikisalamuha ay nailuwal ang sanaysay na ito. Hiningi ang pahintulot mula sa mga kalahok upang makuha ang iba’t ibang naratibong suporta ng mga inilatag sa sanaysay.
English Abstract
The Land of Beauty and Bounty, also known as Lanao de Norte, is home to an industrialized city called Iligan, where an effort to lay down the reflections, observations, and studies of women’s voices in the quarry was made in this paper. This aims to place the struggles, issues, and aspirations of women known as “kuwaredoras” at the center of the exploration, along with hard labor and success. Through the referral method, which was appropriate given that everyone in Ilaya knows one another, ten women in the quarrying site became participants. Exchanging stories or informal conversation, observation, socializing and field research were used. The participants’ consent was secured to obtain the narratives supporting this essay’s explorations. Ilaya is a source of rich accounts that are part of the history of Iliganon, Lanaon, Filipino, and women as kuwarehan and society.
Recommended Citation
Ramos-Piccio, Karen
(2023)
"Kuwaredora sa Balas-balas sa
Land of Beauty and Bounty,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
1, Article 10.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss1/10