•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

Abstract

Ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pagtuturo o disiplina; ito ay isang pambansang pananagutan. Ang papel ay kritikal na paglilimi sa sistema ng edukasyon na pinaiiral sa kasalukuyan, samantalang iginigiit ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad ng bagong kurikulum kaugnay ng K to 12. Ano ang mga konsekuwensiya ng agarang pagpapatupad ng batas? Ano ang magagawa ng guro sa panitikan at wika, gayong inalis o kinalos ang mga ito sa kolehiyo? Ano ang parikala ng bago sa pagbabagong inaasam sa edukasyon ng ika-21 siglo? Isang pauna ang papel sa direksiyong tinatahak ng pamahalaan at mga institusyon, samantalang hindi humuhupa ang tinig ng sumbat at pagtutol.

English Abstract

Filipino is not only a medium for teaching, or a discipline; it is a national responsibility. The paper is a critical reflection on the current educational system, while the Department of Education pushes for the implementation of the new curriculum under the K to 12 program. What are the consequences of its immediate implementation? What can the teachers of literature and language do, now that they are laid off or forced to leave their institutions? What is the irony behind the change that is aspired by the educational system in the 21st century? This paper is a prologue on the direction taken by the government and institutions, amidst the voices of clamor and resistance that still refuse to be silenced.

Share

COinS