Document Type

Article

Publication Date

2020

Abstract

Itatanghal ng papel ang teorya ng espektakulo ni Guy Debord sa pagbasa ng kasalukuyang kalakaran ng pampublikong diskurso bilang diskurso ng mga imahen. Ipaliliwanag kung paano isang metodong patolohiko ang ganitong pagbasa o pagbibigay interpretasyon sa mga imahen bilang sintomas ng higit na malalalim na sakit na panlipunan. Isa itong patolohiya na maiuugat sa mga panulat nina Jose Rizal, Emilio Jacinto, at mga propagandista. Nagpapakita ito ng kolonyal na ugat ng metodong patolohiko na napatitingkad lamang ng kontradiksiyon nito sa karanasan ng pandemya na dulot ng COVID-19 na isang sakit na tumatanggi sa diagnosis. Sa huli, patutunayan ng papel na ang ganitong kolonyal na ugat ng metodong patolohiko na ginagamit natin ngayon sa pampublikong diskurso ang maituturing na isang sanhi ng pagkabalaho ng pampublikong diskurso sa pamamagitan ng pagpapataw ng moral na kategorya sa paghuhusga sa mga imahen.

The paper will highlight the theory of spectacle of Guy Debord in reading the current predicament of public discourse as a discourse of images. The paper will explain how this method of reading is a method of pathology that reads images as symptoms of deeper social malaise. This is a pathology that is rooted in the writings of Jose Rizal, Emilio Jacinto, and other propagandists. This reveals the colonial roots of the method of pathology that manifested itself against the experience of pandemic due to COVID-19, a disease that refuses diagnosis. In the end, the paper will argue that this colonial root of the method of pathology may be one of the reasons why we are experiencing this rut, this stalemate, in public discourse by imposing a moral category in how we judge images.

Share

COinS