Document Type

Article

Publication Date

2025

Abstract

Magmula nang umigting ang neoliberalismo bilang ekonomikong kaayusan noong dekada 1970, daan-daang bansa na ang maaapektuhan nito at libo-libong espasyo ang mahuhubog ng masidhing neoliberal na lohika. Tatawagin ng mga paham bilang neoliberal na urbanismo—ang ganitong diwa ng pagsasaayos sa mga lungsod, na nasa anyo ng pribatisasyon at hentripikasyon ng mga espasyo, ay magdudulot ng pag-unlad at lubos-at-labis na yaman para sa iilan, at kaaba-abang karalitaan at guho para sa nakararami. Sa ganitong konteksto ng neoliberal na urbanismo, isinusulong ng artikulo na ang mga graffiti ay umiiral bilang tekstong panlipunan na instrumental sa agawan ng espasyo sa pagitan ng estado-merkado at ng publiko. Gamit ang Google Street View (GSV) upang galugarin ang piling susing-sityo sa Lungsod Quezon, ipinakikita na ang mga graffiti ay kapwa ginagamit sa produksiyon ng espasyo sa neoliberal na engklabo, o kaya ay sa katunggaling mga sityong nagsusulong naman ng “adyenda ng maralita” o “karapatan sa lungsod” ng higit na nakararami. Taliwas ang kabuoang pagbasang ito, bilang huli, sa payak na pagtanaw sa graffiti bilang pawang bandalismo o dumi; ang graffiti ay integral na teksto sa agawan ng espasyo at sa tunggalian ng mga uri.

Share

COinS