Document Type
Article
Publication Date
2021
Abstract
Marahil; kahit pahapyaw; mabuting magsimula ngayon sa konteksto bago pumalaot sa talakay. Ang aking pangunahing hakà na “pagninilay” ang kritisismo ay nagmumula sa mga sanaysay ng aking unang aklat ng panunuri sa tula; ang Aralín at Siyasat: Mga Pagninilay Hinggil sa Tula; na inilulungsad natin ngayon. Mahigit sampung taon ang panahong ginugol sa pagsulat at pagtipon ng mga sanaysay. Produkto ang mga ito ng aking pagtalima; sa anyo ng kritika; sa tungkuling makipagbalitaktakan hinggil sa tula; habang patuloy ding nililinang ang aking sariling panulaan.
Recommended Citation
Sanchez, L. J. A. (2021). Kritisismo Bílang Pagninilay. Tomas: The Journal of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies, 3, 279-290. https://tomas.ust.edu.ph/archive/volume-3-issue-3/