Document Type

Article

Publication Date

2020

Abstract

Sa sanaysay na ito, tinutuklas ang isa kong hakà hinggil sa kalikasan ng mga teleserye o telebiswal na soap opera sa Pilipinas. Tinatawag kong “kontemporanidad,” tumutukoy ito sa katangiang mapagtukoy ng mga serye sa kontemporanyong búhay o pangyayaring panlipunan. Gámit pa rin ang pananaw na panitikan nga ang teleserye, at dahil nga rito ay nagsusulong ng tinatawag na “simbolikong aksiyon,” ipinagpapalagay na mabisang kasangkapan ang teleserye sa pagpapamalay hinggil sa lagay-panlipunan. Itatanghal ko ang ganitong mga pagpapalagay sa tinaguriang “pagbásang paloob” sa isang tampok na teleserye, ang Wildflower. Itinuturing ang pamamaraang ito ng may-akda na lalong politisasyon ng pagbása sa teleserye, na masusing pinagtatalab ang anyo at ang kontekstong inuusbungan nito.

Share

COinS