"Examen Bilang Gabay sa Pagpapabuti ng Karanasan sa Social Media" by Reylord L. Chito

Examen Bilang Gabay sa Pagpapabuti ng Karanasan sa Social Media

Date of Award

7-1-2022

Document Type

Thesis

Degree Name

Master of Arts major in Theological Studies

First Advisor

Fr. Oliver G. Dy, SJ, STD, PhD

Abstract

Sa pagdatal ng bagong milenyo, napakarami na ng pagbabago mula Second Vatican Council dahil sa pag-abante ng teknolohiya lalo na noong ipinakilala ang teknolohiyang digital sa panahon ng globalisasyon. Nang pumasok ang social media o socmed katulad ng Facebook, twitter at instagram, unti-unting gumuguho ang mga dating pinahalagahan nating Christian values at virtues habang naging laganap ang hate speech, fake news, inggit, kasinungalingan, mahalay na pananalita at pornograpiya at iba pang mga uri ng katampalasanan sa socmed. Kung ito ang mundo ng mga Kristiyanong netizeng Filipino sa buong araw, anong klaseng tao ang nahuhubog sa mundong ito?

Ang suliraning ito ay tinatangkang tugunan sa pamamagitan ng paghahain ng Examen ni San Ignacio bilang gabay, panuntunan at instrumento tungo sa pagiging mabuting Kristiyano sa panahon ng social media. Ito ay instrumento sa pagpapabuti ng karanasan at tulong sa buhay-espirituwal ng mga Kristiyanong netizen na nakababad sa social networking sites lalo na sa Facebook. Ang pagdarasal ng Examen ay pinapalakas ang kakayahan na makapagkilatis upang mas maging matalino sa pagpili ng kapasyahan kung haharap sa mga karanasan at pagkilos na may kinalaman sa social networking sites ng Facebook gaya ng viewing, reacting, commenting, sharing, saving, posting at messaging. Pinapatalas ng Examen ang kakayahan ng isang tao na makapagpasya ayon sa kalooban ng Diyos at mas maging malaya pagnahaharap sa paggamit ng social media. Para kay San Ignacio “nilikha ang tao upang magpuri, magbigay-pitagan at maglingkod sa Diyos” (B.P 23) Sa pamamagitan ng pagdarasal ng Examen, binabalik ang tao sa simulain at sandigan. Ang isang tao ay nakakapagpuri, nakakapagbigay-pitagan at nakakapaglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng mga konkretong karanasan na nabanggit kung papasailalim sa patuloy at tamang pagdarasal ng Examen. Ang mga konkretong pagkilos at karanasan na ito ay maaaring magsilbing daan tungo sa buhay kabanalan na inaasam-asam.

Share

COinS