Ang Komunidad ng Mahihilig sa Sine Bilang Intimate Public: Isang Pag-aaral sa mga Kasapi ng Philippine Cinema Forum
Date of Award
2021
Document Type
Thesis
Degree Name
Master of Arts in Literature ( Filipino) Thesis Option
Department
Filipino
First Advisor
Christoffer Mitch C. Cerda, PhD
Abstract
Sinisiyasat ng pag-aaral na ito ang access sa sineng digital at online bilang kondisyon ng kontemporanyong pagkahilig sa sine, na matatagpuan sa mga nabubuong malawak na network o komunidad ng mahihilig manood ng sine, na mailalarawan bilang intimate public. Sa paglapat ng mga ideya ni Lauren Berlant, makikitang nagsisibling espasyo ang kontemporanyong sine para sa pagkakaisa ng mga lubos na magkakaiba o magkakalayo, alang-alang sa pagpapatibay at pagpapatuloy ng indibiduwal nilang pagkahilig sa sine, sa palagiang pagtaguyod ng ugnayan sa pagitan ng sarili at sa iba pang may access sa sine. Ang mga ugnayang nabubuo sa loob ng intimate public na ito ay bunsod ng kapangahasang lagpasan at labanan ang mga institusyong nagtatakda ng mga limitasyon sa malayang paglalantad ng mga karaniwang manonood bilang komunidad ng mahihilig sa sine. Upang makapagbigay ng konkretong halimbawa ng nasabing komunidad, magsasagawa ang pag-aaral ng Focus Group Discussion o pakikipagkuwentuhan kasama ang ilang kasapi ng Philippine Cinema Forum, isang Facebook group na binuo noong 2013. Sa diskusyong ito, bukod sa talakayan ng indibiduwal at kolektibong kasaysayan ng pagkahilig sa sine, isasaalang-alang din ang lahat ng mga may kaugnayan sa pagbibigay-access sa sine, gaya ng pagdisenyo at pagkuha ng mga kagamitan at programang isinakasangkapan upang makapanood ng pelikula, at ang pagsali ng mga komunidad upang matasa at maipagyaman ang kaalamang pampelikula. Sa huli, matutunghayan ang network na binuhay at patuloy na pinaiiral ng pagkahilig sa sine, ang pagbubuwag ng pambabakod at ang pagpapatibay ng mga koneksyong nagpapatotoo sa mga kagustuhan ng mga kasapi sa intimate public ng sine.
Recommended Citation
Velez, Patrica Marie, (2021). Ang Komunidad ng Mahihilig sa Sine Bilang Intimate Public: Isang Pag-aaral sa mga Kasapi ng Philippine Cinema Forum. Archīum.ATENEO.
https://archium.ateneo.edu/theses-dissertations/512