Sino ang May Sala? Pagsasala ng mga Krimen Ukol sa mga Tauhang Tsinong Pilipino sa Nobelang Good Dog ni Mabek Kawsek

Date of Award

2021

Document Type

Thesis

Degree Name

Master of Arts in Literature ( Filipino) Thesis Option

Department

Filipino

First Advisor

Christoffer Mitch C. Cerda, PhD

Abstract

Laganap ang krimen sa ating lipunan ngunit para sa komunidad ng mga Tsinong Pilipino, walang mas nakapagbibigay ng pangamba sa kanila kundi ang krimen ng pagkikidnap, lalo na tuwing panahon ng halalan at kailangan ng mga politiko ng pera sa kanilang kampanya. Sa hangaring maipagbunyi ang mga akda sa ilalim ng Panitikang Tsino-Pilipino, ginamit ng mananaliksik ang nobelang Good Dog upang makapagsimula ng diskurso ng krimen at ganitong uri ng panitikan. Sa nobelang Good Dog ni Mabek Kawsek (2019), kinidnap ang anak ni Agnes na si Sophia at dito niya umpisang matuklasan ang lihim na buhay ng kanyang asawang si Victor. Upang matuklasan kung ano-ano ang ugnayan ng mga tauhan at ng mga krimen sa nobela, ginamit ang pagsusuring tekstuwal ng mga pangyayari ng nobela. Sa pagsasakonteksto at pagsasakasaysayan ng kidnapping sa Pilipinas, mainit sa mata ng mga kumikidnap ang mga Tsinong Pilipino dala ng pagsusuri gamit ang alien capitalist ni Caroline Hau at flexible citizenship ni Aihwa Ong. Base sa pananaliksik, karamihan sa mga nakikidnap ay mga Tsinong Pilipino dahil tinitignan sila bilang masalapi. Sa kanilang tungkulin bilang tagapamagitan, nakikita sila ngayon bilang kapital mismo at isinasatao nila ang salapi sa kanilang pang-araw- araw na gawain. Ang mga biktima ngayon ay naituturing na literal na kalakal na kailangang tubusin ng kanilang mga mahal sa buhay, nagiging produkto na kailangang ipagpalit para sa pera. Sa nobela, dala rin ito ng personal na pagnanais ni Victor na patunayan ang kanyang sarili mula sa lipunan at maging sa sariling pamilya kaya nagawa niyang kidnapin ang sariling anak. Sa huli, kailangan pa rin niyang managot sa batas kaya pinatay siya (ni Agnes at ng sariling konsiyensiya) upang tumigil na ang kanyang gawain at wala na siyang mabiktimang inosenteng bata at pamilya.

This document is currently not available here.

Share

COinS