La Fortaleza Del Pilar: Isang Pagtalunton sa Kasaysayan, Arkitektura, at Panitikan ng Espasyo

Date of Award

6-2021

Document Type

Thesis

Degree Name

Master of Arts in Literature ( Filipino) Thesis Option

Department

Filipino

First Advisor

Alvin B. Yapan, PhD

Abstract

Ang resulta ng ating pag-iisip ay paglikha ng ‘sistema ng espasyo’ (Lefebvre 16). Sa espasyong malilikha ay iiral naman ang arkitektonikong pagdidisenyo ayon sa kung paano at ano ang nakikitang gampanin ng espasyo na nakabatay naman sa kung ano ang realidad ng lipunang pinagsisilbihan nito. Sa papel na ito, tiningnan ang ugnayan ng lipunang Zamboangueño sa Fort Pilar, isang makasaysayang pook na pinagmumulan ng mga Chavacano, Tausug, Samal, Badjao, Yakan, Subanon, Tagalog, Bisaya, at lahat ng mga residenteng sakop ng kapangyarihan ng pangakong proteksiyon ng espasyo.

Mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas mula nang unang nagsilbi ang Fort Pilar sa Zamboanga bilang isang moog ngunit kapansin-pansin na hanggang ngayon ay patuloy ang pagganap nito sa naging tungkulin sa lungsod – ang magbigay ng proteksiyon. Ang proteksiyong ito ay nagbabago ng anyo batay naman sa pangangailangan o konteksto ng henerasyon. Sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng espasyo sa lungsod, malaki naman ang gampanin ng mga kuwento ng milagro ng Nuestra Señora La Virgen del Pilar bilang testimonya sa proteksiyong handog ng Fort Pilar sa isang bayang nakararanas ng geopolitikal na tensiyon.

Ang papel na ito ay sumisipat sa tatlong salik na kakikitaan ng temang proteksiyon bilang isang katangian ng Fort Pilar na dahilan ng malakas na impluwensiya nito sa lipunang Zamboangueño. Ang kasaysayan, arkitektura, at panitikan ng Fort Pilar ay sabay-sabay na kumikilos sa pagtupad sa pangakong proteksiyon ng espasyo sa nasasakupan nito.

Share

COinS