Paggunita at Pagsapantaha: Panlipunang Puhunan Bilang Kilos ng Pag-uugat Tungo sa Makataong Kaganapan

Date of Award

2019

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Philosophy

Department

Philosophy

First Advisor

Agustin Martin G. Rodriguez, PhD

Abstract

Ang panlipunang puhunan ay ang kalagayan kung saan nagkakaroon ng iba’t- ibang porma ng aktibong pagsasama-sama ang mga tao sa mga komunidad upang matugunan ang isang kolektibong hangarin. Lumalabas na bukod sa pisikal at pantaong kapital, ang panlipunang puhunan ay isa ring yaman ng mga tao sa komunidad na binigyan ng teoretikal na pag-uunawa ng mga sosyolohikong sina James Coleman, Pierre Bourdieu, at Robert Putnam. Sa maraming pagkakataon ay naiipit ang usapin ng panlipunang puhunan bilang paksang naiuuwi sa larangan lamang ng panlipunang kapital. Bilang capital nagkakaroon na lamang ng iisang paraan ng pag-uunawa dito na kadalasang nakukulong sa abot-tanaw ng ekonomikong pagtingin. Pagsusumikapan ng papel na ito na ilabas sa usapin ng kapital ang panlipunang puhunan upang bilang kilos ng pamumuhunan sa mga makataong ugnayan ay magkaroon ng posibilidad na mapalawak ang paglalapat ng konseptong ito sa mayamang paksa ng pag-unlad na kikilala sa samu’t saring kontekstong ginagalawan ng mga komunidad. Sa pagtatalaban ng mga teoretikal na pagmumuni ukol sa panlipunang puhunan at pag-unlad, mga napiling pilosopikong pagmumuni nina Georg Wilhelm Friedrich Hegel at Martha Nussbaum, at ng hindi maitatangging larangang praktikal o mga pag-aaral sa mga aktwal na pagsasagawa ng panlipunang puhunan sa mga komunidad ay makapagbubuo tayo ng mga karagdagang pag-uunawa sa kayamanan ng kosepto ng panlipunang puhunan. Posibleng makita na maliban sa mga porma ng pagdikit, pagtulay, at pagkawing, ang panlipunang puhunan ay makikilala rin bilang pag-ugat. Bilang porma ng pag-ugat, ang pag-uunawa sa panlipunang puhunan ay kumakawala sa usapin lamang ng kapital na siyang makapagbibigay ng pagpapahalaga kapwa sa gawain ng paggunita sa sinaunang konteksto ng pagkabuklod ng mga tao sa komunidad at sabay sa kilos ng pagsapantaha sa makataong kalidad ng pamumuhay ng mga nagsasama-sama. Sa ganitong abot-tanaw mas magiging malinaw ang pakakahulugan ng mga taong nag-uugnayan sa kanilang kaganapan.

This document is currently not available here.

Share

COinS