1872-1898: Uri at Kasarian sa Gitna ng Ekonomikong Pagbabago ng mga Huling Dekada ng ika-19 na Siglo sa mga Nobela ni Patricio Mariano
Document Type
Article
Publication Date
2021
Abstract
Tinatalakay ng sanaysay na ito ang tatlong nobela ni Patricio Mariano at kung paano inilarawan ang huling tatlong dekada ng kolonyalismong Espanyol. Bagaman nailathala sa pagitan ng 1906-1913; nakatagpo ang tatlong nobelang Juan Masili o Ang Pinuno ng Tulisan (1906); Ang Bunga ng Nalantang Bulaklak (1908); at Ang Tala ng Panghulo (1913) sa pagitan ng mga taong 1872-1898. Nais ikatwiran ng sanaysay na ito ang halaga ng kasaysayan sa panulat ni Mariano. Hindi ito tulad ng naunang mga puna ng mga kritiko na nagsasabing hindi mahalaga o hindi lubos na naiugnay ang lunang pangkasaysayan ng mga nobela sa kuwentong romantiko ng mga tauhan. Sa partikular; nais ikatwiran ng sanaysay ang halaga ng lunang pangkasaysayan at panlipunan; lalo na ang usaping pang-ekonomiya at pangkasarian; sa binubuong kamalayang pangkasaysayan at kamalayang makabayan para sa mga mambabasang Pilipino ng unang dalawang dekada ng ika-20 siglo. Ikakatwiran na ginagamit ni Mariano ang kasaysayan sa isang alegorikong paraan upang ilahad ang ugat ng nasyonalismong Pilipino at kung paano maaaring maabot ang tinatamasang kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas.
Recommended Citation
Cerda, C. M. C. (2021). 1872-1898: Uri at kasarian sa gitna ng ekonomikong pagbabago ng mga huling dekada ng ika-19 na siglo sa mga nobela ni Patricio Mariano. Daluyan: Journal Ng Wikang Filipino, 27(1). https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/8591