Pagbitag sa Aswang: Panahon at Pulutong sa Paghahasik sa Gabuhanging Butil

Document Type

Book

Publication Date

2021

Abstract

Tampok sa paniniwalang aswang ng Bicol ang tropo ng paghahasik ng mga butil. Upang higit na maunawaan ang naturang tropo at ang mga posibleng implikasyon nito sa foklorikong pagtanaw sa nosyon ng panahon at katalagahan; mahalaga itong isakonteksto sa mas malawak na larang ng mga kuwentong bayan labas sa kuwentong aswang. Sa larang na ito; matatagpuan ang kabilang pilas ng tropo sa imahen ng pulutong na dumadalo at humaharap sa mga inihasik na butil. Sa pagtatagpo/pagtatapat ng mga tropo ng butil at pulutong malilikha ang isang pagbasa sa aswang bilang hulagway na naipapako—ngunit sa isang banda’y naitatawid din—sa maraming panahon; at kasabay nito ay bumabaling sa salimuot ng nagtatalabang mga katalagahan bilang sarili at laksa; o bilang indibidwal at lipunan.

Share

COinS