1890 - 1896: Ang Diskurso ng Lahi at Rasismo ng Kolonyalismo at ang Suliranin ng Pambansang Pagkakaisa sa Anino ng Kahapon ni Francisco Laksamana

Document Type

Article

Publication Date

2019

Abstract

Ang sanaysay na ito’y isang pagsusuri sa nobelang Anino ng Kahapon (1907) ni Francisco Laksamana na nagbibigay-tuon sa diskurso ng kolonyalismo; rasismo; at nasyunalismo. Babasahin ang Anino ng Kahapon bilang isang nobelang pangkasaysayang itinatanghal ang kolonyalismong Espanyol bilang pagtatambis sa lumalago noong kolonyalismong Amerikano. Bibigyang-tuon ng pagsusuri ang paniniil ng Guardia Civil; ang pangunahing institusyong represibo ng pamahalaang kolonyal na Espanyol; sa mga pangunahing tauhan ng nobela. Kakatawanin ng Guardia Civil ang paniniil at kawalang katarungan ng kolonyal na sistema ng mga Espanyol. Ngunit; bukod sa pagbasa a nobela bilang kritika ng kolonyalismong Espanyol; tataliwas din ang sanaysay na ito sa namamayaning pagbasa sa nobela bilang maka-Amerikanong nobela. Sa halip; babasahin ang pagtatampok sa Guardia Civil ng panahon ng kolonyalismong Espanyol bilang alegorya para sa Philippine Constabulary ng kolonyalismong Amerikano. Bibigyang-tuon; sa partikular; ang paralelismo sa pagitan ng Guardia Civil at Philippine Constabulary. Ipakikita ang rasistang pamamalakad sa Guardia Civil at Philippine Constabulary bilang kumakatawan sa rasistang pananaw at polisiya ng kolonyalismo’t imperyalismo ng Espanya at Estados Unidos. Gayundin; bibigyang-pansin ang paggamit ni Laksamana ng kabalintunaan o ironiya sa kaniyang panapos na liham kung saan makikita ang mga papuri ng pangunahing tauhang si Modesto tungkol sa Estados Unidos. Sahalip na basahin ito bilang tapat na papuri sa Estados Unidos; babasahin ang mga papuri na ito bilang patagong pagpuna sa hipokrasiya ng Estados Unidos; isang diumano’y demokratiko at malayang bansa na nagsasagawa ng isang imperiyalista’t mapaniil na pananakop sa Pilipinas. Sa huli’y iuugat ng sanaysay ang nobela sa kamalayang makabayang umusbong sa pagsiklab ng Himagsikan ng 1896; isang kamalayang pilit na sinisikil ng kolonyal na kaayusang ipinataw ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Share

COinS