Document Type

Article

Publication Date

2018

Abstract

Itinatampok ng awiting-bayang Mánang Bidáy ang kultura ng pagliligawan ng mga Ilocano. Matutunghayan dito ang panunuyo ng isang lalaki sa Ilocanang si Mánang Bidáy na nagpamalas ng paninindigan sa kaniyang sariling pagpapasiya. Sa gayon, mainam itong lunsaran ng pagtalakay sa imahen ng babae na pinatitingkad pang lalo ng pangunahing ideya at bisang pandamdamin ng nabanggit na awitin.

Share

COinS